Chapter 29

116 1 0
                                    

Planned

Malinaw na sakin ang lahat nang sinabi ni Devon.Ramdam ko din naman na nag sasabi sya nang totoo.

Kahit papaano ay malaki Ang tiwala ko kay Devon.Alam Kong hindi siya nag sisinungaling.

"Sunduin na kita a?"

Paalam Niya kinabukasan.

Maaga siyang tumawag sa akin para mag good morning at mangamusta.Para namang Hindi kami mag kasama kagabi.

Pag katapos Niya akong ihatid kagabi ay umuwi na din siya.Tapos bago ako makatulog ay nakipag video call siya sa akin.Kita ko Ang background Niya at NASA veranda siya.Mukang mag Isa lang siya sa kwarto.Masyadong tahimik.

"Uhm,sige"

Mahinang Sabi ko at binaba na Ang linya.Pag katapos Niya akong sunduin ay kaagad kaming nag tungo sa main arena para mag trabaho.

Ano pa bang ginagawa ng mga spy?walang iba kundi ilabas ang baho nang gobyerno.

"Nagugutom ako"

Bulong ni Devon pagka pasok namin sa office.Nag tungo siya sa kaniyang upuan at napa nguso naman ako bago kinuha Ang Tupperware sa aking bag kung saan naka lagay Ang pinadalang sandwich ni Heaven.

"Uhm."

Inabot ko SA kaniya iyon at naka ngiti naman itong nag angat nang tingin.

"Sandwich.Ikaw gumawa?"

Tanong Niya at umiling naman ako.Napalitan nang nguso Ang ngiti niya.

"Ayoko,gusto ko gawa mo-"

"Si Heaven naman Ang gumawa nito"

Mas lumapit ako sa kaniya Pero parang batang sumandal siya sa kaniyang upuan at humalukipkip.

"Ayoko pa din"

Muntik ko nang masapo Ang noo ko dahil sa kakulitan Niya Pero sa halip na patulan siya ay tumalikod na ako at nag tungo SA table ko para duon Sana kainin Ang sandwich.

"Ako nalang kakain nito-"

"Can I have a half?"

Tanong Niya.

Naka upo na ako sa aking swivel chair bago napa buntong hininga at nilingon siya.

"You can have it all-"

"Wag nalang"

Nangunot Ang noo ko.

Ano ba talagang gusto Niya?nagugutom siya Pero ayaw niyang kainin Ang sandwich Nato?Pero kapag hahati ako ay hahati din siya?Hindi ba siya nag agahan sa kanila?sigurado naman akong maraming pagkain sa kanila.

"Devon,ano ba?"

Mahinahon na tanong ko dito.

Naka simangot ko siyang pinag masdan na tumayo at lumapit sa akin.

"I want to share this with you"

Turo Niya sa sandwich na nasa table ko.

Umiling ako at dinampot iyon bago muling inabot sa kaniya.

"I'm not hungry,you can have it"

Hindi siya umik at gumalaw sa kinatatayuan Niya sa loob nang sampung segundo kaya Naman bumuntong hininga ako at saka kinuha Ang sandwich mula sa Tupperware bago ito hinati sa gitna.

"There you go"

Bulong ko at ini abot Ang kalahati sa kaniya.Ngumiti naman siya at kaagad tinanggap iyon.Akala ko ay babalik Na siya sa table Niya Pero kinuha Niya lang pala Ang swivel chair para maupo sa aking tabi.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now