Chapter 5

236 4 0
                                    

Light team

"Shoot"

Sigaw ni Knite habang nasa court kami.Kinindatan Niya si Cyber Na nasa tabi ko at Panay lang ang daldal sa akin.

"Ang ganda ganda mo talaga Deborah"

Naka ngiting Sabi niya habang naka titig sa akin at hinahawakan ang kamay ko.Natigilan ako at nahihiyang ngumiti pabalik sa kaniya.

"Eh..."

Bulong ko.

Nirentahan ni Mr.Akie Ang buong court sa tabi nang Isang sikat na resort.Hindi ko Alam kung anong plano Niya Pero lahat kami ay pinag suot Niya nang jersey Na may apelyido namin sa likod at malaking numero.Puting t shirt ang suot ko at sa pang ibabaw naman ay pulang jersey.

Hinihintay nalang namin ngayon si Mr.Akie Pero ngayong wala pa siya ay nag lalaro muna nang basketball Ang mga kasamahan namin.

"Captain halika!"

Sigaw ni Hadiz kaya napa lingon ako sa kaniya.Naka tingin siya Kay Devon na naka sandal sa poste habang pinag lalaruan sa Isa niyang kamay ang throwing card knives.

Naka itim itong t shirt Na Pina tungan nang asul na Jersey.

Inayos Niya ang suot niyang bandana at hindi sinagot sina Hadiz.Nanatiling blanko ang kaniyang ekspresyon habang naka tingin sa mga nag lalaro.

"Captain bilis na.Niyayabangan tayo nang light team oh"

Huminto si Devon sa kaniyang ginagawa at saka isinilid sa bulsa ang dalawang kamay kasama na ang throwing card knives.

"Wala akong planong pagurin ang sarili ko,pasensya na"

Malinaw na Sabi nito bago siya ngumisi at nag lakad na palayo kaya nangunot ang noo ko.

"Ang yabang nya talaga"

Iiling iling na bulong ni Cyber habang patuloy siya sa pag lalaro sa kamay ko.Nilingon ko siya at nag Tama Ang mata naming dalawa.

"Kung makapag yabang siya para syang si Killua.Masyadong mataas ang confidence."

"Hunter x hunter?"

Nag aalangan Kong tanong at tumango naman siya bago ngumiti.

"Oo,Otaku ka?"

Tanong Niya at halos kuminang na ang dalawang mata nito.Umiling ako.

"Yung kapatid ko lang"

Medyo madami din akong Alam sa anime dahil laging nanonood non si Kuya Tyler at ang pamangkin Kong si Grayson.

Kapag mag kasama Silang dalawa ay puro anime ang kanilang pinanonood kaya naman familiar ako sa ibang anime.

"Tapos yung kilos niya naman parang si Hisoka.Madalas Kasi siyang naka ngisi at mapag laro siya sa mga bagay bagay.Ang hirap hulaan nang tumatakbo sa isip ni Captain Devon"

"Uh,Hindi ko kilala si Hisoka"

Sabi ko.

Pero Tama siya sa pag dedescribe Kay Devon.Madalas nga siyang naka ngisi at mahirap mahulaan ang tumatakbo sa isip Niya.Kung mag salita siya ay laging may tono,mapag laro at minsan ay parang nang aasar kahit Na Hindi Niya naman iyon sinasadya.

"Si Hisoka ay-"

Hindi Na naituloy ni Cyber ang sasabihin Niya dahil nag simula nang mag bulungan Ang mga kasama namin.Naka tingin sila sa kakadating lamang na si Mr.Akie.

Kaagad nag Tama Ang mata naming dalawa at huminto siya bago nag tungo palapit sa aking direksyon.

"Mr.Akie"

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now