Love
"It wasn't supposed to happen"
Seryosong Sabi ni Mr.Akie habang Nasa loob kami ng office Niya.Nandito din si Mr.Kahel at nalaman Kong may Alam din siya sa pinag sasasabi ni Fedora.
"What do you mean?"
Tanong ko.
"I'm the one who told him"
Kibit balikat ni Mr.Kahel habang naka upo sa tapat naming sofa.Si Devon namin ay naka sandal sa balikat ko at tahimik na naka pikit Ang mata.Sa tingin ko ay hindi naman siya tulog dahil minamasahe Niya Ang kamay ko na naka Patong sa hita Niya.
"Bakit nyo pina imbestigahan ang pagkamatay nang mama ko?hindi nyo yon nabanggit sakin"
Kunot noong tanong ko.
Isa iyon samga gusto Kong malaman.
"Hindi pag kamatay ni Mrs.Einstein ang pinaimbestigahan kundi ang hospital kung saan siya namatay."
Tikhim naman ni Mr.Akie.
Narinig ko ang Pag tikhim nang naka halukipkip na si Fedora sa kabilang tabi ni Devon.
"Maguguluhan si Deborah kung ayan lang ang sasabihin nyo,i suggest na sabihin nyo na samin lahat nang nalaman niyo at wag na nating pahirapan Ang isat Isa."
"Hindi pa kami sigurado,Gaya nyo ay pinag tatagpi tagpi pa din namin ang lahat para may mabuo na kasagutan-"
"I understood that, Akie.Ibig Kong sabihin ay mag tulong tulong tayo.Mag bigayan ng impormasyon sa isat Isa"
"Anong impormasyon?"
Naguguluhan Kong tanong.
Nilingon ako ni Mr.Kahel.
"Sumunod kayong lahat sa meeting room"
Tumayo na siya Pag katapos niyang sabihin iyon at saka nag simulang mag lakad palabas nang office.Si Mr.Akie naman ay tumango lamang at nag simula na din lisanin Ang kaniyang opisina.
"Hoy Devon,tumayo kana.Alam mo bang malaki Ang ulo mo kaya nabibigatan na si Deborah dyan-"
"Manahimik ka, unggoy"
Inangat na ni Devon ang kaniyang ulo at saka siya tumayo habang Ang Isang kamay ay naka silid sa bulsa at Ang Isa naman ay naka hawak sa aking kamay.
Tumayo na ako at hindi na inintindi ang bumubulong na si Fedora.
Tahimik kaming sumunod kay Mr.Kahel hanggang sa makarating na kami sa meeting room.Bakante iyon at walang empleyado nang kumpanya ni Mr.Akie.
Kaagad kaming naupo at pumwesto.Si Fedora naman ay sinigurado na naka lock ang pintuan bago naupo sa katapat naming upuan.
"Alam Kong lahat nang tao ay mamamatay kapag oras na nila.Wala namang kakaiba don kaya Alam Kong nag tataka ka sa Pag iimbestiga sa Pag kamatay nang mama mo"
Panimula ni mr.Kahel.
We'll, of course?May ilang kamag anak na din naman akong namatay at oo nga nalulungkot ako kapag nangyayari iyon Pero kahit kailan ay hindi ko naisip Na paimbestigahan Ang Pag kamatay nila.Hindi naman ako praning.Hindi ako baliw.
Kumuyom ang kamao ko.Ramdam ko ang kaunting galit na na namumuo sa aking puso dahil ginawa nila iyon nang wala man lang pasabi sa akin.May karapatan akong malaman Ang ginawa nila dahil mama ko iyon.Kahit na sabihin hospital talaga Ang pinaimbestigahan nila,damay pa din ang mama ko.
Kaya naman ngayon ay umaasa ako na mabibigyan nila ako nang magandang kadahilanan para don.Yun lang naman Ang gusto ko.
"Hindi mo ba napapansin kung bakit sa lahat nang hospital sa Pilipinas ay mas marami Ang namamatay sa saijo?"
YOU ARE READING
The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)
RomanceDeborah is the leader of one of the spy section in risen organization.She's doing everything for her family.She's doing her best to make her parents proud of her. Devon Ryker is part of Heicho clan,one of a highly respected family worldwide.His brot...