Chapter 23

151 2 0
                                    

Proud

Inayos ko Ang sarili ko at kahit na ayokong mag pakita ay bumaba pa din ako.

Nakita ko si Devon kausap si Ate Zachariah.Sa tabi naman niya ay si Mr.Theodore and Mrs.Ara.Natigilan ako dahil Hindi ako makapaniwala na nandito sila.

Nilingon ko Ang kabaong ni mama sa Isang tabi.May mga upuan sa harapan nito na naka hilera at Ang ilang kamag anak namin ay nanduon.

"Deborah"

Nilingon ko Ang tumawag sa akin at nakita si kuya Lorkan kasama si Devie Larzon.

"Kuya.."

"Anong nangyari sa pisngi mo?bat may mga sugat ka?"

Tanong Niya bago tumingin sa braso ko.

"Kakatapos lang nang amakarakus event kuya..."

Tikhim ko.

Alam Kong Alam Niya iyon dahil nuon ay parte din sila ni Devie nang risen organization ngunit nag quit sila dahil labag Ang Pag kakaroon nang karelasyon sa code nang section nila.

"Congratulations,narinig ko Kay Kahel na kayo daw Ang nag champion"

Tipid na ngumiti si Devie sa akin at hindi ko naman iyon nasuklian kahit na ngiti manlang.

"Oh, congratulations.Condolence din dahil sa nangyari Kay tita...wala ka pang tulog?"

Tanong ni kuya Lorkan kaya tahimik akong umiling.

"Gusto mo bang samahan kita sa kwarto mo?ihahatid kita"

Tanong naman ni Devie kaya umiling ako at nilingon si Devon na ngayon ay matalim na Ang titig sa akin habang nag sasalita si ate.

"Bakit nandito ang mga Heicho?"

Tanong ni Devie.

"Hindi ko din Alam..."

Bulong ko.

"Lorkan!"

Napa lingon kami sa may pintuan kung saan naroon Ang naka pamulsang si Kenford na step brother ni kuya Lorkan.

"Excuse me Deborah"

Tumango lamang ako at pinag masdan sila ni Devie na lumapit Kay Kenford.

Ibinalik ko Ang tingin ko Kay Devon at nagulat nang nakitang papalit na siya sa akin kasama ang mama niya dahil Ang kaniyang ama ay may kausap na mukang kakilala Niya.

Napa atras ako nang makita Ang muka nang ina ni Devon.Naka puti itong dress kaya naman kitang kita Ang maputi niyang balat.

Ang kaniyang buhok ay kulot at hanggang bewang.Baby face sya kaya naman kung titingnan ay hindi sila mukang mag ina ni Devon.

Walang imik na niyakap ako ni Devon sa harapan nang kaniyang ina kaya napigil ko Ang aking hininga.

Hindi ko Alam kung anong naging reaksyon niya dahil nakaharang Ang dibdib ni Devon sa paningin ko.

"Devon..."

Bulong ko bago nag angat nang tingin sa kaniya.

Tipid siyang ngumiti bago hinaplos Ang aking pisngi.

"Anong nararamdaman mo?"

Tanong Niya.

Umiling ako at Hindi umimik dahil Hindi ko naman maintindihan kung anong dapat Kong maramdaman,basta Ang Alam ko lang ay may halo itong lungkot.

Bumitaw ako sa kaniya bago sumilip Kay Mrs.Heicho.

Naka pout ito habang naka titig sa akin.Kaagad akong nag tago Kay Devon dahil Hindi ko Alam kung anong ibig sabihin nang reaksyon na iyon.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now