Chapter 11

174 3 0
                                    

Training

Tinanggap ni mama si papa at Alam Kong wala akong magagawa tungkol duon.Gustuhin ko man na mabuo muli Ang pamilya namin ay nasasaktan pa din ako.Hindi ba pwedeng Dahan dahanin muna?bakit kailangan biglaan?bakit Hindi muna patunayan ni Papa Ang sarili Niya sa amin bago siya bumalik.

Mag damag akong nag iyak sa loob nang kwarto ko.Dumating na si kuya Lucian Pero Hindi ko Alam kung ano Ang naging reaksyon niya sa nangyari.Sigurado akong nagalit na naman siya.

Maaga akong umalis sa bahay para matakasan Ang problema ko.Si kuya Tyler Ang naabutan ko na gising kaya sa kaniya ako nag paalam.

Kalmado naman siya Pero Alam Kong hindi pa din okay sa kaniya Ang sitwasyon namin.

Hindi ko Alam kung nasan si papa,Hindi ko Alam kung dito ba sya natulog dahil pagkataboy ko Kay na Devon at sa kaniyang kapatid kagabi ay nag tungo na ako sa kwarto ko habang sila naman ay nag kakagulo  sa labas.

"Take care"

Bulong ni kuya Tyler bago ako niyakap.Naramdaman ko Ang Pag halik Niya sa ulo ko pagkatapos akong bitawan kaya naman tipid lang akong tumango at walang imik na nilisan Ang bahay.

Madilim dilim pa at malamig sa labas kaya naman may suot akong coat.

I sighed.

Kaunti pa lamang Ang mga nandito sa main arena.Nag tungo ako sa office para ilapag Ang mga gamit ko duon at saka ako dumiretso sa training room.

Mag Isa ako duon kaya naman bumuntong hininga ako at dinampot Ang throwing card knives.Basta lamang ako pumwesto sa harapan nang target.

Dumistansya ako dito bago ibinato Ang throwing card knives.Tumama ito sa ulo nang card board.

Sinundan ko pa ito nang dalawang throwing card knives Na sabay Kong ibinato at kagaya nang nauna ay sa ulo din nang card ito tumama.

Huminto ako sandali para tumitig dito ngunit lumipad na naman Ang utak ko at naalala Ang nangyari kagabi.

Kung talagang nag sisisi so papa ay mapapatawad ko naman siya ngunit Hindi nga lang ngayon dahil mahirap.Tiwala ko din Ang nasira at ayun Ang pinaka ayoko sa lahat.

Kung mag dadahan Dahan siya at magagawang ibalik Ang tiwala namin sa kaniya Lalo Na Ang tiwala ni mama ay Baka matanggap ko pa siya.

Sana nga totoong nag sisisi sya,Sana totoo Ang mga sinabi Niya kagabi.Sana bumawi sya Kay mama dahil Hindi ko na makakaya kapag nasaktan ulit sya.

She's too soft and kind.Napaka Buti niyang tao,Sinabi sa akin ni Heaven noon na kilala ni mama kung sino Ang babaeng nakasama ni Papa at Alam din Niya kung saan ito naka tira Pero Hindi ito sinugod ni mama para Pag salitaan nang kung ano ano.

Ni Isang beses ay hindi ko narinig mula sa kaniyang bibig na may sinabi siyang masama tungkol sa naging babae ni Papa.Kahit kailan ay hindi siya gumawa at nag pakita nang kasamaan.Hindi siya marunong Mang api at mag higanti sa kapwa.

Ang mga babaeng kagaya niya ay dapat nirerespeto at pinahahalagahan.Hindi ko pa din matanggap Na niloko siya ni Papa.

Akmang kukunin ko Na Ang Ilan pang throwing card knives sa table ngunit may napansin akong kakaiba kaya naman marahas Kong nilingon Ang Isang direksyon at nakita ko suon Ang naka sandal sa pader at naka halukipkip Na si Devon.May suot siyang itim na headband habang Ang ilang hibla nang buhok Niya ay naka Harang sa noo.

"Alright,you got me Dreyse"

Bored na Sabi nito bago umayos nang tayo at inilagay sa loob nang kaniyang dalawang bulsa Ang dalawa niyang kamay.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now