Chapter 39

111 1 0
                                    

Devon's Day

"Birthday ni Devon a"

Sabi sa akin ni Astrid habang siya ay naka upo sa kama ko.Hindi ako umimik.

Sinabi ko kahapon kay Devon na pupunta nalang ako sa kanila at hindi na Niya ako kailangan sunduin dahil ayokong Iwan Niya ang selebrasyon sa kanila.Pero Ang totoo ay pinag iisipan ko pa din kung pupunta ako.

Kapag pumunta ako,ibig sabihin kailangan Kong makipag hiwalay sa kaniya.Pero sa tingin ko Hindi ko iyon kayang gawin.

"Inivite ako ni Azany.Sabay nalang kaya tayong punta don?"

Tanong Niya bago ako nilingon.

"Wag na, susunod nalang ako"

Tumango siya.

"Sabagay,kasama din namin si Devie e kaya malamang kasama si Tito Lorkan."

"Si Kenford? pupunta ba don?"

Tumango siya.

"Kasama Niya si Licus"

Niyakap ko ang puting malaking unan sa aking tabi bago ako tumulala.Wala akong maramdaman na sigla sa puso ko.

Parang gusto ko nalang matulog buong araw.

Nang tumunog ang cellphone ko ay dinampot ko iyon.Mag mula nang mag ka hiwalay kami ay mayat Maya ang message sa akin ni Devon ngunit Hindi ko siya magawang reply an.Masyadong magulo ang isip ko sa ngayon...

From:Devonskii

Ayaw ako paalisin nina Kuya dito:<

Kasunod noon ay may picture syang sinend.Pinag masdan ko ang picture Niya na naka tuxedo at naka nguso sa camera.Sa tingin ko ay nasa loob siya nang kwarto Niya dahil natanaw ko sa background ang veranda.

Nagulat ako nang hablutin ni Astrid ang cellphone ko bago tiningnan ang picture ni Devon.

"Ang gwapo naman nang nabingwit mo tita"

Kinikilig na Sabi Niya bago sumulyap sa aking wall clock.

"Tara,aayusan kita."

Hinila Niya ako at itinayo sa kama.

"Astrid-"

"Maupo ka dyan"

Inupo Niya ako sa upuan ko na nasa harapan nang salamin.

"Naligo kana ba?"

"Oo,bakit ba-"

"Kasalan na to!"

Tili Niya bago ako sinimulan na make up an.Inilalayo ko ang kamay Niya ngunit Hindi ito napapagod na bumalik para ipag patuloy ang Pag aayos sa akin.

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi Ang napa sandal sa upuan at hayaan siya sa gusto niyang gawin.

"Ayan..."

Bulong Niya matapos ang Pag me make up sa akin.Tumingin ako sa salamin ngunit Hindi pinuri ang ginawa niya.

Akala ko ay pakakawalan na Niya ako pero sinunod naman niyang pinag lalabas ang mga pang ayos sa buhok at saka ito ginamit sa aking buhok.

Pumikit ako habang ginagawa niya iyon.

"Astrid,hindi ako pupunta"

Sabi ko sa kaniya ngunit Hindi pa din siya tumitigil.

"Astrid."

"Ano bang sinasabi mo.Birthday nang boyfriend mo.Dapat nandun ka"

Sabi Niya kaya Hindi na muli ako umimik.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now