New life
Unti unti Kong iminulat ang aking mata nang naramdaman Kong may humahaplos sa aking Kamay.
Nakita ko si kuya Tyler sa aking tabi habang naka tayo naman sa likuran Niya si Eustace habang naka kapit sa mag kabilang balikat ni Kuya.
Nangunot ang noo ko bago ko napag tanto na nasa loob ako nang hospital.
Nag salubong ang kilay ko.Am I in saijo hospital?
Kaagad akong napa upon at nag angat naman nang tingin sa akin ang dalawa.
"Deborah"
Sambit ni Kuya sa pangalan ko.
"Nasa loob tayo nang saijo?"
Tanong ko at kaagad umiling si Eustace habang tipid ang ngiti na nag salita.
"Nasa ibang hospital ka.Ang saijo hospital ay inaasikaso na nang mga police.Sa ngayon ay ipinasara muna ang hospital habang hinihintay na makipag usap ang organization nyo sa mga awtoridad."
Binitawan ni Kuya ang aking Kamay bago siya tumayo.
"Nasa presinto sina ate Zach at kuya.Nalaman nila lahat kaya nagalit sila at sinugod ang may ari ng hospital-"
"Nakukong sya?"
Tanong ko at tumango naman ito kaya lumuwag ang pakiramdam ko dahil sa sinabi Niya.
The thought of killing them,marahil ay dala lamang iyon nang galit ko.Mabuti nalang at nawalan ako nang malay,kung hindi ay naka binalikan ko sila at maibuhos ko nang lubos ang galit ko.
Mas mabuting makulong sila,at pagdusahan lahat nang ginawa nilang kasalanan hanggang mawala sila sa mundo.
Hindi ko napansin na nag tutubig na pala ang aking mata kaya naman tahimik akong kumurap at tumungo ngunit kaagad din nag angat nang tingin nang may naalala.
"Si heaven?"
"Nasa kabilang silid lang sya.Binabantayan ni Lucian at Grayson.Kaaalis lang ni Astrid,sinundan Niya si ate Zach"
"Si Devon?"
Bumuntong hininga siya.
"I was about to call him.Kasama siya nang boss mo,may inaasikaso sila.Galit na galit siya kanina nung nadala ka Niya dito.Dyan muna kayo,tatawagin ko din ang nurse"
Kalmadong Sabi Niya bago hinaplos ang aking buhok at Saka tahimik na nag lakad palabas nang silid.
Kinagat ko ang ibaba Kong labi bago ako napa tulala.
Sana naman hindi nagalit Sakin si Devon dahil sa nangyari.Kaya ko lang naman hindi sinabi sa kanila na nasaksak ako ay dahil ayokong mag alala siya dahil baka Magulo ang isip Niya at ganuon na din ang sitwasyon namin nung nasa abandonadong building kami.
Bumuntong hininga ako bago kinapa ang tagiliran ko.
Wala naman akong naramdaman na masakit Duon kaya siguradong okay na ang pakiramdam ko.
"May masakit ba sayo?"
Tanong ni Eustace bago naupo sa aking tabi kung saan nakaupo kanina si Kuya Tyler.
Binalingan ko siya bago ako mahinang umiling.
"Nagugutom kana?gusto mong ipag hiwa kita nang mansanas?"
"Okay lang ako.Anong nangyari sa mga kasama ko?"
"Uh.Yung mga kasama mo ba sa building?"
Tumango ako habang nag hihintay nang sagot.
"Okay naman,bumalik na din sila sa arena nyo.Pag katapos lang ihatid ni Devon dito ay isinama din siya sa arena.Yung building naman,sumabog pa din kasi hindi naman na defuse yung bomba.Mabuti nalang nakalabas kaagad ang lahat page katapos sagipin si Heaven.Dumating din kaagad ang mga police,nahuli nila ang dalawa na nag balak tumakas kaya naman naputukan sila nang Baril sa paa.Uh,ano Pana?"
YOU ARE READING
The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)
RomanceDeborah is the leader of one of the spy section in risen organization.She's doing everything for her family.She's doing her best to make her parents proud of her. Devon Ryker is part of Heicho clan,one of a highly respected family worldwide.His brot...