Fever
Months passed.Nanatili kaming masaya ni Devon kasama ang pamilya namin at mga kaibigan.Nag patuloy ako at sa tingin ko ay wala na talagang darating na problema na hindi namin kayanin.
"Devon"
Tawag ko sa kaniya habang kami ay nasa bar kasama ang mga kaibigan namin at ganuon na din si Mr.Akie at Mr.Kahel.
Inabot ko ang alak sa table at Saka ito nilagok.
Kanina pa akong umiinom at hinahayaan Niya naman ako.Naka upo lamang siya at tahimik akong binabantayan.
"I'm heavy"
Mahinang Sabi ko at Saka siya nilingon ngunit mas idinikit Niya pa ako sa kaniyang katawan.
"Mangangalay ka,dito nalang ako sa tabi mo"
Naramdaman ko na medyo nahihilo na ako kaya naman mariin akong pumikit at Pag mulat ay nanlaki ang mata dahil dalawang Devon na ang nakikita ko.
"Oh my god Devon,you have a twin"
Bulong ko at Saka inabot ang dalawang Kamay ko para mahawakan ang dalawang pisngi Niya.Nangunot naman ang kaniyang noo.
"What are you talking about?"
Tanong Niya.
Hindi ako nag kakamali.Dalawa talagang Devon ang nakikita ko at Sabay pa sila kapag nag sasalita.
Kumurap kurap ako at pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko.
"Look"
Turo ko sa kaniya bago siya niyakap.
"Lasing na yan"
Dinig Kong Tawa ni Knite ngunit hindi ko siya nilingon.Hindi din naman umimik si Devon.Niyakap Niya lamang ako pabalik at Saka hinaplos haplos ang aking buhok.
"Devon hindi naman ako lasing Diba?"
Mahinang tanong ko habang naka yakap sa kaniyang Batok.
"You're not"
He chuckled a bit.
Tiningnan ko ang jacket ko na nalukot na dahil sa Pag kaka yakap ko Kay Devon.
Bumuntong hininga ako at naka nguso itong inayos.
Bawal magusot ang jacket dahil ang gusot ay kailangan plantsahin at tinatamad akong mag plantsa.
Muli akong bumuntong hininga at nawalan na nang gana para ituwid iyon.Sumubsob ako sa balikat ni Devon at Saka tinapik tapik ang kaniyang likuran.
"Devon Diba mayaman ka,bili mo naman ako nang taga plantsa nang jacket ko.Gusot na sya e"
Narinig ko ang Tawa nang mga kasama ko ngunit nanatili akong naka subsob sa balikat ni Devon.
"A maid?"
Natatawa Niyang tanong kaya naman nag angat ako nang tingin sa kaniya at umiling.
"Taga plantsa lang nang jacket hindi maid-"
Natigilan ako nang nakitang wala na ang kakambal ni Devon.
"Shot pa captain"
Tawa ni Drim.
"No more shots"
Sabi naman ni Devon bago ako binuhat habang siya ay naka tayo.
"Uuwi na kami"
Sabi ni Devon at Saka siya nag simulang mamaalam kina mr.akie.
Mayat Maya ang mabigat Kong Pag bunting hininga habang nag lalakad kami palabas nang bar at siya naman ay buhat buhat ako.
YOU ARE READING
The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)
RomanceDeborah is the leader of one of the spy section in risen organization.She's doing everything for her family.She's doing her best to make her parents proud of her. Devon Ryker is part of Heicho clan,one of a highly respected family worldwide.His brot...