Ring
Kinabukasan,tanghali na akong nagising.Maliligo na sana ako para makapag bihis Pero narinig ko Na may kumatok sa pinto kaya naman binuksan ko iyon.
"Ate nag collapse si mama.Dinala siya nina Kuya sa hospital"
Umawang Ang bibig ko sa sinabi ni Heaven.
"Dito nalang daw tayo Sabi ni Ate Zachariah-"
Umiling ako bago hinawakan Ang mag kabilang balikat niya.
"Susunod ako sa hospital-"
"Dito ka nalang ate.H-hintayin nalang natin sila"
Nanginginig Na Sabi nito at nag simula nang mangilid Ang kaniyang luha kaya naman natigilan ako bago Dahan dahang tumango.
Kagaya nang gusto niya ay naghintay lamang kami sa bahay ngunit mas Lalo akong Hindi napakali.Ang bawat oras ay mabilis Na lumipas ngunit wala parin kina ate Zachariah Ang umuuwi o tumatawag.
Nandito si Astrid at Grayson,kagaya ko ay nag aalala din sila pero wala akong magagawa kundi Ang subukang pagaanin Ang loob nila.
Tumingin ako sa wall clock at nakitang alas kwarto na.
Huminga ako nang malalim bago nag tungo SA kitchen at nag luto nang pancake para ipakain iyon sa kanila.
Pag katapos ko itong lutuin ay dinala ko iyon sa living room kung saan naroroon sila.
"Kainin nyo to,magiging okay din si mama"
Sabi ko bago inilapag sa table Ang pan cake at saka tipid Na ngumiti.
"Inapoy siya nang lagnat kanina bago siya mag collapse"
Sabi ni Astrid.
Naupo ako sa tabi niya at hindi umimik.
Sana okay lang si mama.
Hindi ko namalayan na naka tulog na ako sa pag aantay.Pag gising ko ay nakita ko Ang kumot Na naka Patong sa akin habang naka sandal ako sa sofa.
Kaagad akong tumayo nang nakita si Kuya Lucian sa aking harapan.
"Kuya,si mama?"
Tanong ko.
Bumuntong hininga siya bago tinapik Ang ulo ko.
"Nasa hospital pa din siya.Kinuhanan siya nang dugo kanina.Wag ka nang mag alala,nandun si kuya at ate Zachariah"
Bumuntong hininga ako at muling umupo.
"Okay lang ba si mama?"
Tumango siya.
"Mahimbing Ang tulog Niya kanina nung umalis ako"
"Mabuti naman"
Bulong ko.
Ngayon ay kampante na ako sa nalaman ko.Ang mahalaga ay okay lang si mama.
Natigilan ako nang naalala si Devon.Hindi ko Alam Pero bigla nalang siyang sumagi sa isipan ko kaya napa tayo ako.
"Mag papahinga lang ako sa kwarto ko"
Sabi ni kuya bago ito tumalikod at nag tungo Na sa kaniyang kwarto.Ako naman ay napa sapo sa aking noo dahil sa atrasong nagawa ko Kay Devon.Bakit ko ba naman kasi nakalimutan Ang birthday Niya.
Pero Hindi ko naman yon sinasadya,at Isa pa nasisiguro Kong okay lang kahit Na bukas ko nalang ibigay Ang regalo ko sa kaniya.
Pero Hindi talaga ako mapakali.Hinatid Niya ako dito nang may emergency tapos Hindi manlang ako naka punta sa birthday Niya.
YOU ARE READING
The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)
RomanceDeborah is the leader of one of the spy section in risen organization.She's doing everything for her family.She's doing her best to make her parents proud of her. Devon Ryker is part of Heicho clan,one of a highly respected family worldwide.His brot...