Chapter 34

117 0 0
                                    

Fear

Unti unting tumulo ang luha sa aking mga mata kasabay nang panginginig nang aking kamay.

"Mag si Alis na kayo!wag kayong mag panic kung hindi,ako ang babaril sa inyo- sabing wag mag tulakan e!"

Dinig ko ang Pag ka irita sa tono ni Fedora habang sumisigaw siya.

Hindi ko Alam kung bakit bigla nalang nangyari iyon.Hindi ko Alam kung bakit bigla nalang may bumaril Kay Crystal.

Wala na siyang buhay...

"Let's go,captain..."

Mabilis akong itinayo ni Devon bago niyakap at ikinulong sa bisig Niya.

Umiling ako at kumalas kay Devon.

Nang lingunin ko si Crystal ay naka subsob na ang kaniyang muka sa table.

Nanginig ang balikat ko bago tumingin sa direksyon kung saan nanggaling ang putok nang Baril kanina.Nabasag ang salamin na naka haligi sa restaurant at nang tumagos ang titig ko dito ay naabutan ko ang isang imahe nang tao na naka sakay sa kotse.Kaagad itong humarurot paalis at umalingawngaw naman ang tunog nang ambulansya.

"Captain.Im here"

Tikhim ni Devon bago kinuha ang aking kamay.Nag angat ako nang tingin sa kaniya at nakita ko naman ang Pag buntong hininga niya bago pinunasan ang dugo sa aking pisngi.

"Hindi siya makakapag bigay nang statement sa ngayon."

Baling ni Devon nang may lumapit na police sa amin.

May kinuha siya mula sa bulsa nang kaniyang coat at saka ito ipinakita sa mga police.

"S-si Devon Heicho yan,anak nang Heicho"

Dinig Kong bulong nang Isa sa kasama Niya.

"Devon Ryker Heicho,we're under of risen organization.We will let our agency to talk to you."

Itinago na ni Devon ang id niya at saka dinampot ang note book na nasa table.Black note.Ang tinutukoy ni Crystal kanina.

"Fedora, let's go"

Sabi ni Devon at saka ako hinila palabas nang restaurant.Si Fedora naman ay nanguna sa amin habang ako ay naka tingin Kay Crystal na inaasikaso na nang ambulansya.

Habang palayo kami nang palayo ay nanlalabo ang aking paningin dahil sa namumuong mga luha.Hindi ko Alam kung bakit nangyari yon Pero Malakas ang kutob ko na kanina pa siyang naka matyag Kay Crystal.

Malakas din ang kutob ko na aware si Crystal don.Kaya nga palingon lingon siya sa paligid kanina.

Parang lumubog ang puso ko dahil sa Pag ka guilty.Kung totoo man Ang kutob ko,nakokonsensya ako dahil ibinuwis Niya ang buhay Niya para makipag usap sa akin.

Dapat nag ingat ako.Dapat sinigurado ko ang kaligtasan Niya.Dapat may nagawa ako para maagapan ang Pag ka matay Niya...

Sana Hindi iyon nangyari.Kung sana lang ay hindi siya nakipag usap sa akin,buhay pa siya ngayon.

May kasalanan ako...

"Sa tingin ko kilala ni Crystal ang pumatay sa kaniya"

Tikhim ni Fedora habang nag mamaneho.

Kumuha si Devon nang babywipes sa aking bag bago hinawakan ang aking baba para iharap ako sa kaniya.

Hindi pa rin tumitigil ang luha ko kahit na gusto Kong pigilan.Natatakot ako,hindi ko Alam kung bakit.

Tumitig si Devon sa akin bago hinaplos Ang buhok ko at saka sinimulan na punasan ang aking muka.

"Wag kang matakot."

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now