Chapter 10

177 4 0
                                    

Heaven's Day

Sobrang bilis nang tibok nang aking puso.Hindi ako maka paniwala sa nangyari.Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko basta Ang Alam ko lang ay naipon lahat nang hiya sa aking katawan dahil sa halik na yon.

Hindi ko naman hinintay na mag salita si Devon kaya naman hindi ko Alam kung ano Ang kaniyang naramdaman dahil sa aksidenteng halik Na yon.

Parehas naman namin iyon Hindi inaasahan at sa tingin ko ay walang may kasalanan.Nasabid lang naman ako sa sarili Kong paa Pero nakakahiya pa din!

Pag katapos non ay umuwi na ako sa bahay dahil sa kahihiyan.Hanggang duon ay ramdam ko pa din Ang Kaba.

He's my first kiss kaya ganito Ang naging reaksyon ko.Marami na din naman akong naging boyfriend Pero lahat sila ay hindi ako nagawang halikan.

Nag pagulong gulong ako sa aking kama habang naka simangot at naiiyak Na.Anong gagawin ko?ayoko munang Makita o makausap si Devon!Pero bukas na ang kaarawan ni Heaven at sa Pag kaka tanda ko ay pumayag ako sa gusto niya na dadalo siya sa kaarawan nang kapatid ko.

Mag damag akong Hindi lumabas nang kwarto ko.Hindi Na din ako halos maka tulog.Grabe Ang naging epekto sa akin nang halik Na yon.

Ano kayang iniisip ni Devon?ah!nakakainis.

"Ate"

Hindi ako gumalaw nang marinig ko iyon.

"Ate,wake up.It's my day!"

Kaagad Kong iminulat Ang aking mata at nakita si heaven Na naka luhod sa kama ko habang ginigising ako.Naka suot siya nang Jersey na hanggang tuhod Niya habang may pang kulot na naka lagay sa kaniyang buhok.Ang kaniya namang muka ay naayusan na.

"Happy birthday Heaven"

Bati ko dito bago ako tipid na ngumiti at saka naupo.Nilingon ko Ang cabinet ko bago ako lumapit duon para kunin Ang regalo ko Kay Heaven na binili ko noong nakita ko ito.

Kwintas iyon na may pendant na crystal.Nakalagay ito sa maliit,pahaba at kulay pulang kahon.

Nang nakita ko iyon noon na naka display ay alam Kong babagay ito sa aking kapatid kaya naman binili ko iyon.

"Aha!I know you have a gift for me too."

Lumapit ako sa kaniya at iniabot Ang aking regalo.Naka ngiti naman Niya itong tinanggap.

"Thankyou!"

Niyakap Niya ako at tumawa naman ako.

"Always welcome.Inaayusan kana?"

"Yes,kinukuha lang Niya yung Dress na isusuot ko kaya naman ginising ko muna kayo ni kuya Tyler.Binigyan Niya din ako nang gifts,naka lagay sa paper bag Pero tatlo ang laman"

Halata Ang saya sa muk Niya habang sinasabi Ang mga iyon.

"Si mama?"

Tanong ko.

"Sinusundo na siya ni ate Zachariah at Grayson.Ilalabas na siya ngayon sa hospital kaya  naman napaka saya ko!"

Tumalon talon siya sa kama ko kaya napa kamot nalang ako sa aking Batok.

"Lumabas kana.Maliligo Na ako"

"Okai!"

Tumalon siya para maka baba sa aking kama at saka nag tatakbo palabas nang aking kwarto habang dala dala Ang aking binigay Na regalo sa kaniya.

Inihanda ko muna Ang damit Kong isusuot.Itim na spaghetti strap lamang at puting short.

Pag katapos ay naligo na ako at nag bihis nang damit.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now