Kiss
Tatlong araw lamang Ang lumipas at inilibing na din si mama.
Tanggap ko naman,Hindi ko lang maintindihan kung bakit yon nangyari.
Nanginginig ang aking balikat habang naka tingin ako sa may sasakyan at umiiyak.Naka tayo pa rin ako habang Ang iba ay nag aalisan Na.
"Deborah, let's go"
Tawag sa akin ni ate habang naka bukas ang pinto nang kanilang van.
Namumugto ang mata Niya dahil kagagaling lamang sa iyak.
Naka titig siya sa akin at hinihintay akong sumakay ngunit ayaw gumalaw nang mga paa ko.
Nanatili lang akong naka tayo at parang batang umiiyak.
Nangunot Ang kaniyang noo.
"Deborah-"
"Ihahatid ko na sya ate Zach"
Singit ni Devon nang bababa na sana sa sasakyan si Ate.
Tumitig sya sa akin bago bumuntong hininga at tumango Kay Devon saka isinara Ang pintuan.
"Dreyse, let's go"
Tikhim ni Devon bago kinuha Ang kamay ko ngunit nang nag angat ako nang tingin sa kaniya ay natigilan siya bago napa lunok.
Ayokong umalis.Gusto Kong dito nalang ako para kahit papaano ay malapit ako sa katawan ni mama.
Natatakot ako kapag iniisip ko na uuwi ako sa bahay araw araw tapos tahimik Ang lahat.
Babalik na sina ate Zachariah sa kanilang bahay kaya naman kami nalang nina heaven at nina kuya Ang matitira.
Parang dinudurog Ang puso ko dahil Alam Kong may kulang.
Narinig ko Ang Pag Buntong hininga ni Devon bago Niya pinunasan Ang aking pisngi at saka ako niyakap.
"Ayokong umuwi"
Hikbi ko habang naka kapit nang banayad sa mag kabila niyang braso at Ang sarili ko naman ay naka siksik sa kaniya.
Suminghot ako.
"Pero uulan na,mababasa tayo."
Mahinang Sabi nito sa akin.Hindi ako umimik.
Makulimlim Ang panahon at pansin ko ngang uulan ngunit kahit na ganuon ay ayoko pa din umuwi.
"Gusto mong pumunta sa bahay?para mas mabantayan kita-"
Umiling iling ako.
Gusto ko dito nalang ako.Ayokong malayo Kay mama.
"Deb."
Nang narinig ko iyon ay kumalas ako Kay Devon bago nilingon si Fedora Na nasa likuran ko.
Ang narinig ko Kay Mr.Kahel ay naka lipat Na daw siya sa risen organization.Hindi pa naman ako pumupunta sa main arena dahil binigyan kaming dalawa ni Devon nang ilang araw na pahinga .
"Fedora"
Mahinang Sabi ko.
Tipid itong ngumiti bago lumapit sa akin para yakapin ako.
"Fedora"
Iyak ko.
Naramdaman ko Ang Pag haplos Niya sa likuran ko kaya naman mas Lalo akong naiyak.
"Kailangan mo nang umuwi,uulan Na.Hindi ka pwede dito-"
"Ayokong umuwi"
Bumuntong hininga siya.
YOU ARE READING
The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)
RomanceDeborah is the leader of one of the spy section in risen organization.She's doing everything for her family.She's doing her best to make her parents proud of her. Devon Ryker is part of Heicho clan,one of a highly respected family worldwide.His brot...