Chapter 8

189 1 0
                                    

Representative

"Okay ka lang?"

Tanong sa akin ni Knite habang naka upo ako sa swivel Chair.Kami lang dalawa Ang nasa loob nang office namin ni Devon dahil wala pa siya.

Hindi ko Alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa sya.Mag aalas dose Na kaya naman sa tingin ko ay hindi Na siya dadating.Siguro ay puyat siya.

Kagabi,pag katapos naming kumain ay umuwi na din ako.Nauna akong umalis kaya naman hindi ko Alam kung pauwi Na din siya.

"Captain"

Kulbit sa akin ni Knite kaya nilingon ko siya.

"Bakit?"

"Ano bang iniisip mo?may problema ka ba?"

Tanong Niya.

Tipid ko siyang binigyan nang ngiti at saka ako umiling.

Sa totoo lang iniisip ko pa din si mama.Pupunta Sana ako kanina sa saijo hospital kung saan naroon si mama Pero nang tumawag ako Kay ate Zachariah ay sinabi niyang mabuti pa daw Na wag muna akong pumunta dahil mahimbing Ang tulog ni mama.

Mukang napapa dalas Ang pag tulog Niya,nag aalala ako para sa kaniya.

"Bakit ka nga pala nandito?"

Tanong ko Kay Knite.

Umayos siya nang tayo habang naka suot Ang dalawang kamay sa mag kabilang bulsa.

"Hinahanap ko si Cyber.Hindi ko siya Makita e"

"Bakit ka nandito?"

"Kase sigurado akong pupunta siya sayo mamaya"

Ngumuso siya kaya tumango tango ako.

"Kayo na ba?"

Tanong ko at natigilan naman siya.

"Ano ba namang tanong Yan Captain-"

"Halata naman na gusto mo so cyber."

"Halata ba?"

Naka ngusong tanong nito at tumango naman ako bago tumayo para sana mag linis nang kalat ngunit saktong bumukas Ang pinto at iniluwa nito Ang assistant ni Mr.Akie.Nasa likuran Niya Ang naka pamulsang si Devon.

Naka suot siya nang shades na nasa likuran nang kaniyang ulo.May suot din siyang bandana na kulay itim at pula.

Nag Tama Ang mata naming dalawa at nag lakad siya patungo sa akin bago ako niyuko kahit Na may table Na naka harang sa pagitan namin.

Nangunot Ang noo ko at saka ako napa atras.

Anong ginagawa Niya?

"Ah..."

Bulong Niya Na parang may narealize,tumango siya at nag kibit balikat bago umayos nang tayo.

"Your face looks bright"

"Eh?"

Bulong ko bago kinapa Ang mag kabila Kong pisngi.Hindi ko Alam kung ano Ang ibig niyang sabihin o kung ano man Ang tinutukoy niya.

"Napansin ko din yon,mas lalong gumanda si Captain ngayon"

Tawa ni Knite kaya naman napa tungo ako dahil sa hiya.Wala naman akong nilalagay sa muka ko Na kung ano.

"Ano nga palang ginagawa nang assistant ni Mr.Akie dito?"

Tanong ni Knite.

Saka palang ako nag angat nang tingin nang iniba na Niya Ang topic.

Nahihiya Kase ako kapag puro papuri Ang naririnig ko SA kanila.

"Nandito ako para kausapin Ang dalawang leader nang espionage team"

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now