Break up
"Dreyse? let's go"
Mahinang Sabi ni Devon habang naka tingin sa akin.Nanatili akong naka upo at walang imik Na umiiyak.
Narinig ko ang mahina niyang pag Buntong hininga bago ako maingat at mabagal na binuhat.ang aking kamay ay ikinawit Niya sa kaniyang batok.
Wala padin akong ginawa at hindi na naman ako umimik.
Naka tulala lamang ako sa isang direksyon habang nag iisip.Patuloy ang Pag tulo nang luha sa aking pisngi at hindi ako sumubok na punasan iyon.
"I'm going to tell mom what happened.Bantayan mo muna ang girlfriend mo,im going to tell them all."
Hindi umimik si Devon at nag patuloy nang mag lakad hanggang sa mailabas na ako sa maalikabok na silid na iyon.
Namukaan ko ang kinarorooan namin at kung hindi ako nag kakamali,nasa bundok kami na pinaka malapit sa aming village.
"D-devon!"
Iyak nang kung sino at bigla nalamang sumulpot sa harapan namin ang umiiyak na si Agneyastra.
Hindi ko alam kung paano siya napad pad dito at hindi ko Alam kung bakit din siya umiiyak kagaya ko.
Nag iwas ako nang tingin.
"What do you want?"
Tanong ni Devon.
Tinapik ko ang kaniyang braso bago ako umalis sa Pag kaka buhat Niya sa akin.
Mapait Kong pinunasan ang aking pisngi at saka hinarap si Agneyastra.
Ano bang problema Niya?kung bitter pa din siya sa relasyon Namin Kay Devon,wala akong oras.
Wala akong pakealam kung hindi siya maka move on Kay Devon.
Ilang sandali ko itong tinitigan bago ako nag simulang mag lakad para lampasan siya.
"Deborah!"
Tawag Niya sa akin ngunit Hindi pa din ako huminto sa Pag hakbang habang naka titig sa sasakyan ni Devon.
"Daddy ko ang may ari nang saijo hospital!"
Sigaw Niya kaya naman natigilan ako.
Nag salubong Ang kilay ko bago sya nilingon at hinarap.Ibig sabihin may Alam siya sa mga nangyayari sa loob nang hospital nang walang kwenta niyang ama?at hindi man lang Niya sinabi sa police?
Lumunok ako.
"Tangina nyo"
Mariin Kong Sabi at nang pumatak ang luha ko ay kaagad ko siyang sinugod para pag sasampalin at saktan.
Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko dahil sa hospital nila.Gusto Kong sabihin sa publiko lahat lahat.Gusto Kong sirain ang buhay nila,gusto ko silang patayin hanggang sa maubos ang pamilya nila.
"Captain"
Tawag sa akin ni Devon habang inaawat ako.Hindi pumapalag si Agneyastra at nanatili lamang siyang naka tungo at umiiyak habang sinasaktan ko.
"Wala kayong kwenta!lahat kayo!mga gago!"
Iyak ko.
Binuhat ako ni Devon at saka idinistansya Kay Agneyastra.Ano bang ginawa nang mga inosenteng tao sa kanila para kunin nalang nila nang biglaan Ang buhay nang mga ito?
Ibinaba ako ni Devon at ikinulong sa mahigpit niyang yakap kaya naman hindi ako maka wala.Umiyak lang ako nang umiyak at sinusubukan padin siyang itulak Pero Hindi siya natitinag.Wala syang pakealam sa Pag tulak ko sa kaniya.
YOU ARE READING
The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)
RomanceDeborah is the leader of one of the spy section in risen organization.She's doing everything for her family.She's doing her best to make her parents proud of her. Devon Ryker is part of Heicho clan,one of a highly respected family worldwide.His brot...