Chapter 6

185 3 0
                                    

Got you

Habang nasa Daan kami ay tinawagan ko muna si kuya Lucian.Lumipas Ang tatlong segundo bago pa Niya sinagot Ang tawag ko.

"Kuya."

"Deborah,where are you?"

"Nasa Daan Na.Pauwi nako,tumawag sakin si ate Zachariah.Anong nangyari Kay mama?Asan sya?"

Nag aalalang tanong ko.

"Nasa kwarto na sya nag papahinga.May doctor din akong Pina punta dito para matingnan Ang lagay Niya."

Lumingon ako sa labas nang bintana at nakitang papasok Na kami sa aming village.

"Parating nako."

Ibinaba ko Ang linya at saka ako bumuntong hininga.

Nag aalala ako Kay mama dahil mahina Ang pangangatawan Niya.Mabilis siyang dinadapuan nang sakit pero ngayon lang Ang unang pag kakataon Na hinimatay siya.

"May Tito ako na doctor, professional sya.Gusto mo papuntahin ko sya dito?"

Nilingon ko si Devon Na seryosong nag mamaneho habang naka sandal sa upuan at kalmadong iginagalaw Ang manibela.

Umiling ako.

"Hindi na.May pinapunta na Ang kapatid ko sa bahay."

Sinulyapan Niya Ang labas nang bintana bago inihinto Ang sasakyan sa tapat nang among bahay at saka siya sumipol.

"Salamat sa pag hatid."

Sabi ko at nag mamadaling tinanggal Ang seatbelt.

"Uhm."

Tango Niya habang naka tingin sa akin.

"Pupunta ka bukas sa bahay.Kung Hindi,ako mismo Ang susundo sayo dito"

Hindi ko iyon pinansin.Wala Na naman akong magagawa kahit pa tumanggi ako sa kaniya.

Kapag pinuntahan Niya ako dito bukas para lamang pilitin Na pumunta sa bahay nila ay mas lalong nakaka hiya.

Binuksan ko Ang pintuan nang sasakyan at saka ako lumabas.

"Ako Na Ang bahala sa sasakyan mo."

Muli ko siyang nilingon bago tipid Na nginitian.

"Salamat,Devon"

Sabi ko bago ako tumakbo papasok sa loob nang bahay.May Isang sasakyan Ang naka parada at sigurado akong kina ate Zachariah iyon.Nandito Na sila.

binuksan ko Ang naka Sarang pintuan at kaagad Kong nakita si Heaven at kuya Lucian sa sofa.Lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Nasan si mama?"

"Nasa kwarto, nagising Na sya kanina Pero nakatulog din pag katapos siyang painumin nang gamot"

Tumango ako at tumakbo patungo sa kwarto ni mama.Naka bukas iyon at nakita ko kaagad si Ate Zachariah,kuya Tyler at Astrid.Naka upo sila sa mono block habang binabantayan Ang natutulog Na si mama.

"Tita"

Tumayo si Astrid at lumingon naman sa akin si Ate Zachariah.

"Deborah-"

"Bakit daw hinimatay si mama?"

Tanong ko bago nilapitan si mama.Naupo ako sa tabi ni mama bago hinawakan Ang kamay nito.Namumutla Ang muka Niya at ganuon Na din Ang kaniyang labi.

"Sabi nang doctor dahil daw sa masyadong pag iisip.Maraming iniisip si mama at walang pahinga Ang kaniyang utak that's why she passed out"

Tikhim ni ate.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now