Chapter 36

119 0 0
                                    

Mad

"Captain Deborah"

Tikhim ni Mr.Akie kaya naman nag angat ako nang tingin sa kaniya.Hindi siya umimik at may pumihit nang knob kaya naman bumukas ang pinto at nag lakad papasok ang lalaking naka puting t shirt at itim na pants.May suot siyang itim Na coat at bakas sa hitsura Niya ang pagiging seryoso.

"Ashton Lazen Heicho,nice to meet you Captain Deborah"

Nanlamig ang buo Kong katawan nang napag tanto ang sinabi Niya.Kung ganon,siya ang kapatid ni Devon?

Hindi sila nag kamuka dahil siya ay seryoso ang muka at masyadong tikom ang manipis na labi.Hindi singkit ang kaniyang mata ngunit makapal ang kilay nito.

Kung manamit siyaay simple lang.Halatang halatasa kaniyang tindig ang pagka professional.

"Nice to meet you too"

Utas ko bago kunot noong nilingon ang katabi Kong si Devon na naka pikit habang naka sandal sa balikat ko at naka yakap sa aking braso.

Ngayon Alam ko na kung ano ang pinag kaiba nilang dalawa.Kaya naman pala marami ang takot sa kapatid ni Devon na ito.

Masyado siyang seryoso at mukang hindi tatablahan nang Biro.Pati ako ay kinililabutan sa iniisip ko.Ang Sabi nila ay madami na daw siyang napatay under nang organization namin.

Mas Lalo akong kinabahan.Calm down Deborah, he's here to protect you.Pero mukang maaga akong matutuluyan dahil sa presensya nang Isang ito.

"Simula ngayon,babantayan kana ni Lazen.Kahit saan ka pumunta,kailangan kasama mo siya."

Sabi ni mr.akie at tumango lamang ako.

Gaya nang sinabi Niya ay naka buntot talaga sa akin na parang robot itong si Lazen kahit saan ako pumunta.Ni hindi man lang siya umiimik o ngumingiti kaya naman mas Lalo akong Hindi naging kumportable kahit pa kasama ko Ang walang pakealam sa mundo na si Devon.

Hindi ko nga Alam kung aware ba siya na kapatid niya ang kasama naming dalawa.

Kaya naman pala ayaw niyang ang kapatid niyang ito ang mag bantay sa akin.

"Kuya,mag de date kami ni Dreyse.Wag mo na kaming sundan"

Sabi ni Devon kahit nahindi naman talaga kami mag de date.Sa gulo nang sitwasyon namin ngayon,malabong mg ka roon pa kami nang oras para mag date.

Hindi umimik si Lazen at parang walang narinig.Ngumisi lamang si Devon dahil Hindi nag bigay nang ekspresyon Ang kapatid Niya.

Kagaya ni Devon,gwapo din si Lazen ngunit sigurado ako na wala siyang girlfriend.Sobrang seryoso ba naman,seryoso lang din Ang makaka tagal sa ganon Pero kapag nangyari yon,masyado namang seryoso ang magiging relason nila.

Palihim akong umiling iling.Ano ba tong pinag iiisip ko.

Nag tungo kami sa mall.Balak ko sanang ipamili nang mga gamit ang pamilya ni Crystal.Ewan ko lang Kay Devon Kasi iniisip niyang date ito at third wheel ang kapatid Niya.Hindi ko siya maintindihan.

"Devon,paki bantayan nito.Naiihi ako"

Turo ko sa mga napamili ko.

Sinulyapan ko si Lazen.

"Uh,iihi ako.Pwedeng wag ka munang sumunod?"

"Okay."

Iyon Ang pinaka unang beses na narinig ko Ang boses Niya.Mabilis sigurong maubos ang mga salita Niya Kasi masyado syang nag titipid e.

"Dreyse,did you bought something for me?"

Tanong ni Devon at tumango naman ako.May mga damit Kasi akong nakita na sa tingin ko ay bagay Kay Devon.Mahilig pa naman siya sa t-shirt.

The Assassin's Obssession (Risen Organization series #2)Where stories live. Discover now