Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga ginagawa ni Luis..akala ko dala lang ng bugso ng damdamin niya kaya siya umalis last time pero hindi! Totoo talagang pinahanda niya ang lahat ng guardia civil..kabilaan na rin ang pagroronda nila lalo na tuwing gabi. Ang bantay naman sa tahanan ng heneral ay mas lalong humigpit. Nakakaloka!
Napabangon ako at napahawak sa aking ulo na para bang mababaliw na ako..kasi oo! Mababaliw na ako huhu iniisip ko rin kasi ang nangyari kay Luis last time. Ang pagpapalit niya ng iba't ibang alter sa loob lang ng isang gabi. For now, si MacMac at Lucas pa lang ang nakilala ko. Sila lang ba ang nage-exist kay Luis..or meron pang iba?
What if...meron pang iba bukod sa dalawang 'yon? Nakakaloka! Hindi ko na alam kung paano ko sila iha-handle. Hindi nga ako nabuang sa nursing pero mabubuang naman ako dito!
Napabuntong hininga ako saka ako muling nagtaklob dahil feeling ko around 2 AM na pero gising pa rin ako dahil sa dami ng iniisip ko. Sa modern world, usually gising pa ako ng ganitong oras dahil busy pa ako mag-review dahil sandamakmak na quiz ang bumubungad sa amin!
Hayst sumasakit na ulo ko kakaisip sa mga happenings here..makatulog na nga
Pinilit kong pumikit at hininto ko na ang kung anumang mga iniisip ko para makatulog agad ako. Ngunit agad na napakunot ang noo ko ng may marinig akong parang binato.
Agad akong napadilat at saka ko tinanggal ang pagkakataklob ko. Natahimik ako ng ilang saglit para pakiramdaman ang paligid ko pero wala naman na akong narinig na kung ano pang kasunod ng munting ingay na iyon.
Baka guni guni ko lang 'yon..tama guni guni mo lang 'yon Shane, epekto lang 'yan ng pagkasabog mo kaya matulog ka na ha?
Muli akong pumikit at nag-umpisa na namang mag-isip ng kung ano ano ng may marinig na naman akong binabato sa bintana.
Napabalikwas na talaga ako ng bangon this time saka ako dahan dahang naglakad papunta sa sulok ng kwarto na kinaroroonan ko..doon sa pinakamadilim na part para if ever man na may magtangkang pumasok, makikita ko na agad siya bago niya pa man ako makita.
Alam kong may tao sa labas! Ganito ang mga ganap sa nababasa kong stories eh kaso doon manliligaw ang nambabato sa bintana eh ako wala naman akong manliligaw eh. Like omg! Lalabas na lang ba ako? Or stay lang muna here? Para naman may thrill diba? Hihihi
Kung hindi ako nagkakamali, ang kwartong kinaroroonan ko ngayon ay nasa bandang dulo na rin ng mansyon at bihira ang guardia civil na napupunta dito since wala naman sigurong magi-interes na magtungo dito banda and besides, malapit ang kinaroroonan ko sa taniman kaya if ever man na papasukin ako dito, need nilang magdahan dahan kasi isang maling apak lang maririnig na ang tunog ng maaapakan nilang sanga.
Isa pa, parang nasa second floor na rin ako banda naka-pwesto since malayo nga ang pagitan ng kinaroroonan nitong 1st floor sa pinaka-lupa kaya kakailanganin din ng something na patungan para akyatin ako dito.
Like omg! Need pa nila mag-effort para akyatin ako here hihihi
Patuloy lang ang pag-iisip ko ng marinig ko na ang tunog na para bang may gumagapang na something basta mga kaluskos na hindi masyadong marinig unless papakinggan mong mabuti..like omg!
Hindi nga ito guni guni lang dahil kitang kita rin ng mata ko kung paanong unti unting nagbukas ang bintana ko! Agad akong napadapa nang sumilip na ang munting liwanag na nagmumula sa buwan. Dahan dahan akong gumapang papunta sa ilalim ng higaan ko na para bang nasa military training ako at saktong pagpunta ko doon ay narinig ko na ang tunog ng yabag na kakatapos lang umapak sa sahig.
Pigil na pigil ko ang hininga ko habang pilit na sinisilip ang mga paa na dahan dahang naglalakad sa silid na kinaroroonan ko ngayon. Sa sobrang ingat ng mga hakbang nito ay hindi mo iisipin na may ibang tao na nandito sa loob. Para bang sanay na sanay na silang maglakad ng ganon..tahimik at magaan ang mga hakbang.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba a normal nursing student from the present who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past! And there she met a man-Luis de Alejandro Carlos y Vicencio..the Governor General w...