Kabanata 34

52 3 0
                                    

Tahimik kaming naka-upo ni Luis sa loob ng kanyang kalesa. Ewan ko ba dito matapos akong pakiligin bigla na lang nananahimik. Nagsisisi ba siya?

Bahagya akong napaiwas ng tingin at napanguso ng dahil sa aking naisip. Nagpag-desisyonan ko na lang na buksan ang bintana ng kanyang kalesa upang silipin ang kung anong ingay na nagaganap sa labas.

Napangiti ako nang makita ko ang mga taong nagkakasiyahan habang naglalakad kasama ang kani-kanilang mga kaibigan, pamilya o kasintahan. Maliwanag pa lamang pero tila ba sobrang excited na sila sa lahat ng mga maaaring maganap mamaya. Balita ko'y mayroon daw magtatanghal sa teatro mamayang bandang alas tres ng hapon.

Hindi pa ako nakasubok na manood ng live na ganon kaya sige..sisikapin kong kausapin si Luis na samahan akong manood, sana lang ay pumayag siya lalo na ngayon at busy pa rin siya sa mga gawain niya bilang Gobernador Heneral.

Tanaw ko din mula sa loob ang mga pwesto na gawa sa kawayan na siyang pinaglalagakan ng kanilang mga paninda. Halo halo ang mga panindang nakikita ko pero ang aking atensyon ay nakatutok lang sa pwesto kung saan mga bulaklak ang kanilang paninda.

I know I'm a strong independent woman and I can by myself flower pero syempre iba pa rin kapag may nag-effort na bigyan ka ng ganon hindi ba? Isa pa sa umagaw sa atensyon ko ay ang nagbabantay sa pwestong iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang batang nakita ko noon sa palengke noong bigla na lang nagsi-sugod doon sila Luis at nanakot na lang bigla or should I say nagbigay ng mga warning?

Nanatili ang aking mga tingin sa kanya hanggang sa unti unti siyang naglaho sa paningin ko dahil sa pag-andar ng kalesa.

Sino siya?

**

Mas lalo akong nahalina sa ganda ng kabuuan ng centro. Andaming nagtatawanan sa paligid at syempre hindi mawawala ang pamaypay nila na pantakip nila sa bibig habang tumatawa. Kung sa modern yan palakihan siguro yan sa pagbuka ng bibig HAHAHA.

"Halina't maglakad lakad tayo binibini, huwag kang mangamba na baka ika'y maligaw. Ako ang bahala sa iyo sapagka't batid kong ngayon ka lamang nakapunta dito" baling niya sa akin nang huminto na ang sinasakyan naming kalesa.

Agad siyang bumaba sa kalesa saka siya umikot upang pumunta sa gilid ko. Inialok niya ang kanyang palad na agad ko namang tinanggap.

"Salamat" ika ko

Akala ko'y bibitawan niya na ang palad ko pero inilagay niya ito sa kanyang braso dahilan para mapatili ako sa isipan ko.

Shemsss!! Duma-damoves ba siya sa akin?!

Sumulyap siya sa akin saka siya ngumiti dahilan para mapangiti din ako ng bahagya pero pinigil ko ang sarili ko na ngumiti ng malapad kasi nakakahiya naman 'yon..baka sabihin hindi 'yon magandang tignan sa isang binibini

Naiwan ang kalesa at ang kutsero malapit sa isang sanglaan dito sa centro. Naglalakad lakad lang kami ni Luis habang patingin tingin sa paligid. Pansin ko din ang pagtingin sa kanya ng mga nadadaanan namin kaya bigla akong na-conscious kasi hindi pala siya basta bastang tao lang..isa siyang Gobernador Heneral. 

Pasimple kong binawi mula sa mga braso niya ang kamay ko pero hindi ko pa man tuluyang nababawi ang kamay ko nang hulihin niya ito saka siya nagtaas kilay.

"Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa? Huwag kang kakalas sa akin" ika niya saka niya mas hinigpitan ang pag-ipit ng kamay ko sa braso niya.

Madami ang gumigilid habang naglalakad kami papunta kung saan. Ako kanina pa nako-conscious pero si Luis wala lang para lang siyang hari na naglalakad sa gitna na kung sino ang humarang ay malalagot.

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now