Kabanata 29

71 5 1
                                    

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Napakagat ako sariling labi upang pigilan ang sarili kong ngumiti.

Baka kung ano isipin niya eh

"Ayos lang ako..tsaka hindi mo na ako dapat pa na pinuntahan dito sa aking silid..baka kung anong isipin nila" pag-iiba ko ng topic dahil naloloka na ako sa kabog ng aking hearty

"Paumanhin kung hindi mo nagustuhan ang aking inasal..ngunit huwag kang mangamba sapagkat tulog na ang lahat ng ating mga  kasamahan sa hacienda"

"Ha? Anong oras na ba?" pagtatanong ko

Dahil sa kakatulog ko hindi ko namalayang gabi na! Feeling ko mga 8PM na eh mga ganitong oras sa probinsya dapat tulog ka na.

Kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang coat ang isang relo na may mahabang chain saka tinignan ang oras.

"Alas diez na ng gabi" ganon na lamang ang tulala ko nang marinig ko ang sinabi niya

10PM? As in 10PM? tapos..dalawa lang kami?

Muli akong napaiwas ng tingin dahil sa aking naisip. Omg mukha kaming magdi-date ha!

"A-ah..hindi ako kakain Luis busog pa ako eh" pagsisinungaling ko na halatang obvious

"Hindi ka maaaring matulog ng walang laman ang iyong sikmura kung kaya't halika na" sabi niya saka niya hinawakan ang dulo ng aking suot ng kamesita kaya napatingin ako sa kanya

"Hindi ko pa maaaring hawakan ang iyong mga kamay kung kaya dito na lamang muna kita hahawakan upang masiguro na kasama kita sa pagpunta sa hapag" dahan dahan na lamang ang pagtango na nagawa ko saka ako humakbang palabas ng aking kwarto

Nanguna na siyang maglakad pero ang kanyang kaliwang kamay ay nanatiling nakahawak sa dulo ng damit ko. Napatingin ako doon saka ako unti unting napatingin sa kanya na kasalukuyang nakatalikod sa akin. Mukha siyang tatay na hinihila ang isang pasaway na anak pauwi.

Mahina akong natawa dahil sa itsura namin ngayon.

Masyado naman siyang naninigurado na mag-stay ako kasama siya HAAHA

Nang mapadpad na kami sa dining area ay nagtakha ako nang mapansin kong maraming pagkain ang mga nakalatag ngayon! Mas marami pa ito kumpara sa usual na kinakain niya. Kahit lampara lamang ang nasa paligid namin ay tila ba maliwanag na maliwanag sa paningin ko ang mga nakikita ko ngayon.

Napabaling ako sa kanya at halos atakihin ako sa puso nang mapansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingin saka niya hinila ang isang upuan at muling tumingin sa akin. Senyales na pinapaupo niya ako kaya agad din naman akong umupo.

Nang masiguro niyang komportable na ako sa aking kinauupuan ay agad na rin siyang umupo. Ilang sandaling walang nagsalita sa amin ni wala ding kumikilos kaya agad siyang tumikhim. Nanguna na siya sa pagsandok ng pagkain at ilang sandali pa ay inalok niya sa akin ang plato na pinaglagyan niya ng mga pagkain.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya ngunit sinuklian niya lang ako ng isang simpleng ngiti na nagpa-init sa magkabilang pisngi ko.

"Iyo na ito..ipinagsandok na kita dahil paniguradong kakaunti lamang ang iyong kakainin" muli na naman akong lihim na napangiti dahil sa ginawa niya

Ano ba tayo Luis? Umaasa na ako eh HAHAHAHAH assuming pa naman ako

Bahagya siyang tumayo upang ilagay sa harapan ko ang platong nilagyan niya saka niya kinuha ang plato ko na wala pang laman.

Ngumiti siya sa akin ng magtama ang aming mga mata. Kita ko ang kung anong kislap sa mga mata niya na ngayon ko lang napansin.

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now