Kabanata 24

73 6 2
                                    

Tulala akong nakatanaw sa kawalan dahil walang magawa dito sa bahay ni Luis. Halos three weeks na rin ang nakakalipas simula nang pasukin ako sa kwarto na ako lang ang nakakaalam. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na magsumbong kahit kanino man..kahit kay Luis pa yan kasi what's the sense diba? Hindi ko na siya nakaka-usap kasi laging wala dito at parang may something sa kanya.

Actually this past few days may napapansin ako Kay Luis..umiiwas siya and parang may nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Parang malayo na loob niya sa akin..well, hindi naman sa ano ha pero diba nakaka-usap ko pa siya ng matino noon pero ngayon he seems odd. Ibang iba siya makitungo sa lahat kaya everytime na umuuwi siya literal na tatahimik na kaming lahat sa bahay..literal na tunog na lang ng mga kuliglig ang maririnig mo sa buong kabahayan.

Anong problema niya? Alam na ba niya na alam kong may something sa kanya? Like yung may iba't ibang personality na lumalabas sa kanya once na may nati-trigger sa kanya. Is that the reason? Hindi ko alam

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang ingay na para bang may kumosyon na nagaganap sa labas. Agad akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Luis sa labas na para bang may pinapagalitan. Since curious tayo ayon agad naman akong humakbang patungo sa pintuan para maki-usyoso.

Nag-uumpisa nang mag-umpukan sa may pintuan banda ang mga kasamahan ko sa bahay.

Ano kayang ganap? Nakakagulat lang na after ilang weeks na hindi ko nakikita si Luis biglang ganito..para bang may gulo

Dahan dahan lang ang hakbang ko patungo sa pintuan para hindi mahatalang gusto ko maki-chismis sa kanila. Napatingkayad ako ng bahagya para sana makita ang ganap sa labas pero wala akong makita dahil matatangkad ang nasa harapan ko kaya wala akong choice kundi ang sumingit para makapunta ako sa unahan.

"Tonta!" (Stupid!)  sigaw ni Luis saka niya tinadyakan ang isang lalaki na nakaluhod sa harapan niya. Iyan ang bagay na nasaksihan ko nang makapunta ako sa harapan

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko bahagya pa akong napatakip sa bibig ko dahil ang baho ng hininga ko..chariz! So ayun bahagya akong napatakip sa bibig ko dahil kitang kita ko rin ang duguang mukha ng lalaki na ngayon ay nakabulagta na sa sahig.

"Kay lakas ng loob mong gawin ang bagay na iyon..isa ka talagang indio! Estúpido!" muli niyang tinadyakan ang lalaki sa tyan dahilan para mapabuga ito ng dugo

Anong nangyayari? Bakit siya nananakit? Tyaka sino ang lalaking iyon? Ang ginawa niya? Bakit siya sinasaktan ni Luis ngayon? Ang tanong..siya ba si Luis o si Lucas?

Marami akong katanungan sa isipan ko na gusto kong masagot pero pinili ko na lamang na manahimik dahil sigurado akong wala din naman makakasagot sa mga ito. Rinig ko ang bahagyang pagsinghap ng mga tao sa paligid nang sumuka ng dugo ang lalaki.

Gusto ko sana tumakbo palapit sa kanya para tulungan siya pero hindi ko alam kung bakit tila ba napako ang mga paa ko dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"H-Heneral..hindi ko po ginawa ang bagay na iyong sinasabi..matagal na ho akong naninilbihan sa inyo kung kaya't paano ko ho magagawa iyon?" rinig ko ang hinanakit mula sa boses ng lalaki na ngayon ay bahagya nang bumangon mula sa pagkakabulagta niya

"Crees que le creeré a alguien como tú? ¿Un simple sirviente? No soy tonto al creerle a gente como tú... pedazo de basura inútil." (You think I'll believe someone like you? A mere servant? I'm not a fool to believe people like you..useless piece of trash) pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli niyang tinadyakan ang lalaki sa mukha dahilan para mapahiga na naman ito.

Nilapitan niya ang lalaki saka niya ito tinapakan sa dibdib para hindi na makabangon pa ang lalaki. Kitang kita ko kung paanong umangat ang sulok ng labi ni Luis na para bang tuwang tuwa sa nakikita niya. Kita ko rin ang bahagyang magyugyog ng balikat niya palatandaan na tumatawa ito.

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now