Kabanata 32

47 3 0
                                    

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Lagi na lang pabigla bigla ang mga banat niya kaya hindi ako laging nakakapag-prepare. Like omg!

"Pero Luis..baka kung ano sabihin ng iba eh" saad ko nang makabawi ako

"Hayaan mo na lamang sila at kung ano man ang maaaring isipin nila. Hindi mahalaga iyon para sa akin dahil ang aking iniisip ay ikaw lamang" ani niya

Napanguso ako nang bahagya dahil sa sinabi niya. Like omg! Paano ba 'yan sa salita niya pa lang kinikilig na ako paano na kaya sa kilos? 

Nagdadalawang isip pa rin ako kung papayag ba ako sa sinabi niya or tatanggihan ko. Ilang sandali lang ako nag-isip at agad akong naka-isip ng gagawin.

"Luis..huwag na lang..ano, hindi naman sa ayaw kitang kasabay kumain ha pero kasi diba tagasilbi ako dito sa bahay mo? Hindi magandang tignan eh" iyon na lang ang nasabi ko dahil totoo naman eh

Napatitig siya sa akin sandali saka siya unti-unting tumango na para bang walang choice.

"Kung iyan ang iyong gusto..papayag ako"

***

Nagku-kwentuhan kami habang kumakain ng pansit at hindi mawawala ang munting asaran..buti na lang hindi siya pikon kasi mas inaasar ko siya palagi.

"Akala mo nakalimutan ko ang ginawa mo noong unang beses kitang nakita?" pang-aasar ko

Napakunot ang noo niya at napahinto siya sa akmang pagsubo ng pansit. Itinagilid niya ang ulo niya na tila ba inaalala ang tinutukoy ko.

"Hindi ko maalala ang iyong sinasabi" pagma-maang-maangan niya kaya napaismid ako

"Hindi mo maalala o ayaw mo lang alalahanin?" taas kilay na tanong ko

Napailing iling siya at napaupo ng tuwid

"Hindi ko talaga maalala ang iyong sinasabi" napasingkit ako ng mata at tinitigan siya ng mariin kung nagsisinungaling ba siya o ano pero wala naman akong nabakas na ganon kaya napatango tango ako

"Diba may nagaganap na pista noon tapos syempre may mga nagtatanghal tapos naka-pwesto ako sa likuran pagsayaw sayaw pa ako doon. Tapos ikaw naman! Bigla mong hinawakan ang pang-upo ko!" napasigaw pa ako nang mapadpad na ako sa dulo

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa akin. Bumubuka buka ang bibig niya na para bang gusto niyang magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig niya. Hindi din nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang leeg at tenga.

Napangisi ako nang makita ko ang itsura niya..ang cute niya hihi.

"G-ginawa ko ang bagay na iyon sa iyo?" nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata "Isa..isa akong lapastangan na ginoo. Hindi..hindi ko sinasadya ang bagay na iyon. Nawa'y mapatawad mo ako Nathalia" naging seryoso na agad ang ekspresyon niya na kanina'y gulat.

Napatitig ako nang maayos sa kanya dahil ang bilis naman niyang tanggapin yung sinabi ko. Samantalang noon, panay deny siya at sinasabi pa niyang hindi siya ang may gawa noon.

"Bueno, change topic..kamusta pala sa trabaho mo?" Iniba ko na ang topic dahil baka kung ano na naman ang maisip ko

"Ayos lamang ang aking trabajo ngunit magiging abala nga pala ako sa susunod na linggo dahil may mahalagang tungkulin ako na dapat kong gampanan bilang Gobernador Heneral. Ngunit huwag kang mangamba sapagkat sisiguraduhin kong maglalaan ako ng oras para sa iyo." aniya sabay ngiti sa akin

"Pero baka mapabayaan mo sarili mo Luis ha..magpahinga ka rin. Tuwing umuuwi ka galing trabaho mo lagi kang dumidiretso sa akin..pwede ka namang magpahinga muna eh.. maiintindihan ko naman" sabi ko habang inaglalaruan ko sa tinidor ko ang konting pansit na naiwan sa plato ko

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now