Kabanata 33

54 2 0
                                    

"Sa unang tingin ay iisipin marahil ng ibang tao na kayong dalawa'y mag-asawa" 

Napangiwi ako nang marinig ko ang sinabi ni Romana na sa tingin ko ay kanina pa kami pinagmamasdan. Napatingin ako sa kanya tsaka kay Martin na walang kibuan. Napakibit balikat na lang ako saka ako nag-decide na umalis sa harapan nila dahil gusto ko silang bigyan ng time para makapag-usap..baka kasi may LQ sila eh yah know.

Mamaya ko na lang itutuloy ang paghuhugas..maglandian este mag-usap muna sila mas mahalaga iyon

"Saan ka tutungo Nathalia? Hindi pa tapos ang iyong gawain" napatigil ako sa akmang paghakbang ko nang magsalita si Romana

Napairap ako dahil hindi ba niya nahahalata ang gusto kong gawin? I'm giving them the time to talk to each other para magkabati sila ng lalaking nagkakagusto sa kanya.

"Ah..alis muna ako saglit para.." tinuro ko silang dalawa "para magka-usap na kayo kasi ganon dapat ang mangyari" ani ko saka ako muling tumalikod at tumakbo na papalayo sa kanila.

Rinig ko pa ang tawag sa akin ni Romana pero hindi na ako lumingon pa dahil desidido na ako na bigyan sila ng time.

Dumiretso na lamang ako sa hardin at saka ako umupo sa kung saan kami lagi umuupo ni Luis. Napatingin ako sa tabi ko at ganon na lamang ang lungkot na naramdaman ko nang wala akong maramdaman na katabi kasi nga wala si Luis eh lagi ko naman siyang kasama dito kahit na may maliit na pagitan sa aming dalawa.

Napatingin ako sa kawalan at saka ako nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga. Bahagya pa akong napakuba sa pagkaka-upo ko pero wala akong pakialam. Tahimik na umupo na lang ako sa bato saka ako sumisipa sipa sa ere.

Hirap talaga ng walang makausap dito

Napatingala ako at pinili ko na lamang na tignan ang mga bituwin. Tanaw na tanaw ko ang maraming bituwin na tila ba nagu-unahan kung sino ang pinakamakislap.

Isa sa mga napansin ko ka Luis ay mahilig siya sa bituwin. Tuwing nandito kami ay literal na nagtatagal ang tingin niya sa mga ito saka siya babaling sa akin na para bang natutuwa siya sa nakikita niya.

"Bakit tila ba malungkot ang aking binibini?" agad akong napatayo nang marinig ko ang isang pamilyar na boses..ang boses na nagbibigay ng init sa aking puso

Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong naglalakad na siya patungo sa akin! May dala pa siyang kung ano na hindi ko na inabala pang tignan dahil ang focus ko ngayon ay walang iba..kundi si Luis.

Sa hind malamang dahilan ay natagpuan ko ang sarili ko na tumatakbo papalapit sa kanya saka ko siya hinawakan. Ramdam ko ang paninigas niya sa kanyang kinatatayuan pero agad din siyang nakabawi at yumakap sa akin.

"Hindi ko inaakalang ikaw pa ang gagawa ng paraan upang maghagkan natin ang isa't isa" ani niya saka siya mahinang tumawa

Napasinghot ako nang malakas dahilan para agad siyang mapahiwalay sa yakap ko saka siya gulat na yumuko upang tignan ang aking mukha. Agad akong napayuko dahil nahihiya ako ngayon.

Marahil sa sobrang pagka-miss ko sakanya ay napaiyak ko sa tuwa nang nakita ko siya ulit. Hindi ko rin namalayan kanina kung paano ako naiyak basta ang alam ko..na-miss ko siya.

"Bakit ka tumatangis? May nangyari ba sa iyo dito habang wala ako? Ayos ka lamang ba? Magsalita ka port favor" mahinahong saad niya habang nakatingin pa rin sa akin..ang isang palad niya ay nasa kanang braso ko na nakahawak

Napaiwas ako ng tingin saka ako umiling iling.

"A-ayos lang ako..kaya siguro ako naiyak kasi..na-miss kita" saad ko saka ako napapikit ng mariin dahil sa confession na sinabi ko

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now