Napapunas ako sa luha ko nang magwakas na ang kwento na tinanghal nila. May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko dahil sa napanood ko. Napasinghot din ako nang maramdaman kong parang may nakabara na sa ilong ko.
Ang sakit shet
Napatingin ako sa kanan ko nang may palad akong naramdaman sa aking bewang. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong nakatitig ng mariin sa akin si Luis na para bang kanina pa siya nakatingin sa akin..
"Ayos ka lamang ba?" mahinahong tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin ng mariin
"O-oo, nakakaiyak lang kasi yung tinanghal nila. Kawawa sila Simon at Angelita" parang bigla natulala nang bigla kong maalala ang naging ending ng roleplay nila. Expected ko na na hindi magiging masaya ending Niña pero ang sakit pala kapag napanood mo na siya mismo plus the fact na madadala ka sa emotions ng mga nagtatanghal na para bang sarili nilang kwento ang pine-perform nila.
"Siyang tunay, maging ako'y nalungkot nang magwakas sa hindi magandang pangyayari ang kanilang pag-iibigan" mahinang usal niya saka marahang ngumiti sa akin
**
Alas cuatro na ng hapon ngayon at kasalukuyan kaming kumakain sa isang sikat na Panceteria. Tila ba aligaga ang mga nagtatrabaho dahil sa biglaang pagdating ni Luis. Marami din ang nagtatakha dahil himala at walang kasamang guardia civil ang heneral na siyang laging nakabuntot dito. Kung hindi isa ay may dalawang karaniwang kasama ang heneral na siyang umaalalay sa heneral.
"Nawa'y magustuhan mo ang pancit ala Viera ng lugar na ito. May nakapagsabi sa akin na masarap daw ang mga putahe nila rito kung kaya't nais kong ikaw ang makasama ko sa unang beses na pagtungo ko rito" may kung anong haplos na nadama ang aking puso dahil sa kanyang sinabi
Alam kong pihikan sa pagkain si Luis at hindi ko ine-expect na willing siyang magpunta sa isang bagong lugar kasama ako..para lang mapasaya ako
Sa sobrang saya na nadarama ko ngayon, hindi ko namalayan na napasarap na pala ang kain ko. Hindi na ako nag-abala pa ng kausapin siya kasi alam kong susuwayin niya din ako eh. Masyado talaga silang strict sa panahon ngayon, literal na hindi ka pwedeng magsalita kapag kumakain ka ni hindi rin pwedeng bumuka ng konti ang bibig mo habang ngumunguya kasi hindi naman talaga kaaya aya tignan 'yon.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, napa-burp ako ng wala sa oras dahilan para mapahinto sa pagkain si Luis saka siya tulalang tumingin sa akin na para bang first time niya makarinig ng ganon.
"Bakit ganyan ka makatingin?" matapang na tanong ko tinatago ang hiyang nararamdam ko sa mga sandaling ito
"Wala naman, isa ka talagang tunay na pambihirang binibini" mahinang usal niya saka tumawa dahilan para mapairap ako
Matapos kumain ay binayaran na ni Luis ang mga kinain namin ayaw pa sanang tanggapin ng may-ari ng Panceteria kung hindi ko pa kinausap eh kasi business is business walang heneral heneral dito. Hindi tulad sa modern day na libre lagi kinakain ng mayor or governor tapos special pa ang ipapakain sa kanila plus shempre yung crew pa ng taong iyon..edi lugi ka non kasi marami kang papakainin ng libre hayst.
Tahimik lang kaming naglalakad ni Luis nang mabangga sa kanya ang isang bata. Napaupo ito sa lupa kaya napatigil kami sa paglalakad. Tumingala ang bata sa kanya kaya agad siyang lumuhod upang pantayan ang bata. Iniabot ni Luis ang kanyang palad sa bata na tinitigan lang nito kaya natawa ako nang bahagya.
Sumulyap sa akin si Luis saka napabusangot dahil marahil sa ginawa kong pagtawa. Lumapit na rin ako sa kanila saka ko tinulungang tumayo ang bata. Ito namang si Luis hindi man lang itinayo ang bata, literal na nilahad lang niya ang palad niya anong alam ng bata doon? Hayst pasaway
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General
Fiksi SejarahMeet Nathalia Shane Dimagiba a normal nursing student from the present who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past! And there she met a man-Luis de Alejandro Carlos y Vicencio..the Governor General w...