Chapter 10

154 4 0
                                    

Parents

"Sam, kumusta ang lakad nyo kagabi?" - tanong ni dad nang napadpad ako sa kitchen.

"Okay naman po dad." - sabi ko habang kumukuha ng juice sa ref.

"Saan kayo pumunta? Baka kung ano na ang mga ginagawa nyong magpipinsan, mamaya maging adik kayo dyan." - singit ni mom.

Uminom ako ng juice at nilapag sa counter.

"Are you calling us drug addicts?" - nakapamaywang kong sinabi.

"It's not impossible, Sam. Maybe your mom was a drug addict, too." - sabi nya.

Hindi ko na napigilan kaya hinagis ko ang juice ko sa mukha nya.

"Stupid! If you don't have anything nice to say, don't say anything at all!" - sigaw ko sa kanya.

Nabigla na lang ako ng may narinig akong nabasag. Si Nathan pala yun, binasag nya ang baso ko sa lamesa, sa tapat ni Bianca.

"Sa susunod na may sabihin ka pang masama tungkol kay mama, sa ulo mo na ito mababasag!" - sigaw ni Nathan.

"Sam! Nathan! In my office! Now!" - sigaw ni dad habang pinupunasan ang nangiiyak iyak na si Bianca.

"Okay." - kibit balikat namin ni Nathan at tumawa at nag high five sa harap nila.

"Sit." - utos ni dad ng nakarating na kaming tatlo sa office nya.

"You two are too stubborn! Wala kayong respeto sa nakakatanda! Hindi namin kayo pinalaki ng ganyan-" - sermon ni dad.

"Anong hindi? We're a Jimenez, dad. It's engraved in our souls to be assholes." - sabi ko sabay halukipkip.

Narinig kong humalakhak si Nathan.

"That's true, dad. If you didn't notice, we're made to be evil. We're naturally evil. Every Jimenez knows it. Actually you should be the master, the professional in evildoing, because I'm pretty sure na mas lalo kang naturuan ng pangalawang babaeng pinakasalan mo." - dagdag ni Nathan.

Ako naman ang hindi nakapigil ng pagtawa. Napawi lang nang tinignan ako ng masama ni dad. I'm sorry, 'kay? I can't help to be proud of my evil brother. Jimenez talaga.

"Tell me, Sam, Nathan. Ano ang kailangan kong gawin para magkaayos kayo?" - tanong nya.

"Wala. Kasi kahit na kailan, hindi yan mangyayari." - sagot ko.

"Now you tell me, dad. Do you really love Bianca? Kailan ang huli mong bisita kay mama?" - tanong ni Nathan.

"Matagal nang wala ang mama nyo. Just accept it, for God's sake!" - sigaw ni dad.

"Wala na sya kaya kailangan na syang kalimutan? Ganun ba yun, dad?" - nangingilid na ang luhang nagbabadyang tumulo. - "This conversation is fucking useless." - sabi ko at tumayo na para makaalis.

"Can't you see it, dad? Nawawala na kami sa inyo dahil lang sa Bianca na yan! Just leave her! She's no good for us!" - sigaw ni Nathan at sinarado ang pintuan.

Ako naman ay nakahawak lang sa railings ng second floor namin, habang tulalang nakatingin sa malaking chandelier namin sa kisame. Naramdaman kong tumabi sa akin si Nathan.

"Gusto mong magpalamig muna tayo sa labas?" - yaya ni Nathan.

"Ang init init nga eh." - halakhak ko.

"E di mag iicecream. Available kaya ngayon si manong Jay. At tsaka may pupuntahan pa tayong party mamayang gabi di ba?" - alala nya.

"Sige na nga." - ngiti ko sabay akbay sa kanya.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon