Chapter 13

184 6 0
                                    

I won't leave

Pababa ako ng stairs nang nakita ko si Travis sa baba. Chocolates naman ang dala nya ngayon.

"Look, Sam! Travis' here!" - sabi ni dad.

"Jaime, don't excite Sam. Baka umasa pa yan. Aalis rin naman si Travis." - sabi ni Bianca sabay tingin sa mga nails nya.

"Lagi rin naman po akong babalik eh." - nakangiting sagot ni Travis.

"Dad, alis na po ako." - sabi ko.

"Oh, tanggapin mo man lang ang chocolates ni Travis." - sabi ni dad.

"I don't want them. Nakakataba." - sagot ko.

"Akin na lang!" - nabigla ako nang sumigaw si Nathan.

Kinuha ko ang chocolates at binigay kay Nathan. Agad naman nyang binuksan at kinain.

"Thanks kuya Travis!" - sabi ni Nathan na punong puno ng chocolate ang mga kamay at ang bibig.

"Huy! Baka tumaba ka! Fat boys are not attractive to girls." - paalala ko.

"Who cares about girls? I can live without them!" - sabi ni Nathan habang patuloy na kumakain.

Believe me, Nathan. Sinabi ko rin yan.

Paalis na ako ng bahay ng may napansin ako.

"Where's our car?" - sabi ko.

"Hindi mo ba naaalala? Ako ang kasabay mo papuntang school di ba?" - sabi ni Travis na nasa likod ko pala.

"Oh yes." - sabay lingon ko sa kanya. - "And the next day, malalaman ko na lang na nasa California ka na. At syempre hindi ko na maalala, iniwan mo ako di ba? You wanted me to be independent. So why are you here now? Ano to? Laro?"

"No, Samantha. I just realized that I've been unfair to you. You're important to me that's why I should told you that I was leaving that time." - sagot nya.

"Then you're such a retard. Too late. Too slow." - sabi ko at humalukipkip.

"It's not late yet, Sam. 2 months pa lang mula noon." - huminga sya ng malalim. - "Tell me, what do you want me to do para mawala na ang tampo mo?"

Kilalang kilala talaga ako nito. Gusto ko lagi may kapalit. Hmm. Nag ngising aso ako at sinabi sa kanya ang gusto kong mangyari. Na realize ko rin naman na ang importante ay bumalik sya, and hindi naman ganun ka grabe ang ginawa nya to make him suffer.

"Are you sure about this, Sam?" - natatawang sinabi ni Travis.

"Yup. Just do it with me and you'll be free." - sabi ko.

Kinuha namin ang mga paint cans na binili namin kanina sa likod ng kotse nya at tumakbo papunta sa second floor ng school.

"This will be freaking fun." - ngisi ko at binuksan ang takip ng isang bucket na kulay pink. Ang swerte naman nila!

"And you're freaking scary." - nakangiting sinabi ni Travis habang binubuksan ang dalawang bucks. Isang blue at isang yellow.

Tinignan namin kung nasa baba nga ang target namin. May class yun dito sa eksaktong baba namin eh. Nang nakita namin si Molly at yung dalawang dogs nya, sinimulan na namin ang plano.

"Let the revenge begin!" - sigaw ko para marinig ng lahat. At nang tumingala silang tatlo sa palapag kung nasaan kami, tinaas ko na ang mabigat na pink paint can at ibinuhos sa kanila.

Sumunod naman ang kulay blue at yellow ni Travis. Tawang tawa kami habang tinitignan ang lahat ng tao na naka perfect O ang bibig. Sina Molly naman ay sigaw ng sigaw, hindi naman naibo. Shunga lang!

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon