Chapter 32

108 3 0
                                    

Dare

Naglalakad ako ngayon sa school. Sinadya kong magpaaga para mahanap sya agad.

Pagkatapos ng 30 minutes kong paghahanap, nakita ko rin sya. Nakikipagusap kay Dominic.

Nang nakita nya akong papalapit sa kanya, may sinabi sya saglit kay Dominic at umalis na, kaya sinundan ko sya.

"Benj.." - tawag ko sa kanya at hinawakan ang braso nya. Tumigil sya pero hindi nya ako agad nilingon.

"Benj please mag usap naman tayo.." - sabi ko kaya nilingon na nya ako.

"We talked na, Samantha." - seryoso nyang sinabi.

"I want just to clarify some things.." - sabi ko pero nakatingin lang sya sa akin.

"B-Benj, minahal mo ba ako?" - naiiyak kong tanong pero nag iwas lang sya ng tingin.

"Huy." - sabay tulak ko ng konti sa braso nya habang umiiyak ako. - "Sagutin mo naman ako.."

"S-Samantha.." - sabi nya.

"Benj! Ano ba?" - sigaw ko. - "Did you love me?"

Napahagulhol ako ng unti unti syang umiling. Naramdaman ko ulit na lahat sila nakatingin na sa akin.

"S-So it means na totoo yung sinabi ni Travis? Na i'm just part of your collection?" - tanong ko.

"I-I don't know what do you mean, Samantha." - nauutal nyang sagot.

"Was I just a fling?" - nabasag ang boses ko sa tanong ko.

Natigilan sya sa tanong ko. Ang tagal nya akong tinitigan bago sya sumagot.

"L-Look, Samantha. There was this dare that Nash and Dominic told me. The dare was about courting you and making you fall.. For me. I-I'm sorry. They just wanted to know if I am really a playboy. Na kahit si Samantha Jimenez kayang paibigin. I'm really sorry, Samantha. Please, tigilan mo na ako. Mas masasaktan ka lang. - sabi nya at nag iwas ulit ng tingin.

And in that moment naramdaman ko na mas sumikip ang dibdib ko. Hindi ko kayang tanggapin na all of that was planned. All what he said and did was planned just to prove his friends that he is a professional playboy. Kahit sino kaya hindi matatanggap yun. Na naloko ako. Na pinagkaisahan ako.

Sa sobrang pagkabigla ko hindi ko napansin na umalis na pala sya sa harapan ko. Na ako na lang ang natira sa gitna ng campus. Wala talagang tao. I feel lonely. Even inside. Parang nawala lahat. Bakit pakiramdam ko, dinala na nya lahat ng sa akin? Paano naman ako?

Lakad, akyat, lakad, hinto. Yan lang ang kanina ko pang ginagawa dito sa school. Lahat pala sila nasa klase nila o kaya sa cafeteria o sa library. Para kasi talagang desert ngayon ang campus.

Pumunta ako sa cafeteria dahil nagugutom na pala ako. Umorder ako ng pineapple juice na agad naman nakapagpaalala sa akin kay Benj. Umupo rin ako sa table kung saan lagi kaming umuupo ni Benj. Dito kasi yung first time na pagkikita namin. This is where we met for the first time. Kaya mula nun dito na kami umuupo. Wala naman nangangahas na kuhanin ito sa amin.

Habang umiinom ako ng juice tumingin ako sa bakanteng upuan sa harap ko. I wish he's here, in front of me. Nakikipagtawanan sa akin, telling me his corny jokes, about how was his exam, about what happened to his morning, about his plans for the future. It's so sad to think na hindi na ulit mangyayari yun.

Nagulat na lang ako nang nakita na umupo si Molly sa harapan ko.

"Hoy! Tulala ka yata?" - tumaas ang kilay nya.

"What do you want?" - sabi ko at tamad na umupo.

"What are you thinking?" - tanong nya at pinatong ang siko sa table.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon