Endless
"Hayaan mo na. Pakipot ka pa kasi, alam ko naman na gusto mo rin." - sabi ni Max nang nag meet ulit kami. Dumalaw kasi ako sa taping nila.
Kanina pa namin pinaguusapan si Benj. Kinwento ko kasi sa kanya ang nangyayari sa amin ngayon. Kung ano yun? Araw araw syang dumadalaw sa bahay. Kahit sinabi kong hindi, kahit hindi ko sya pinapansin. Pati si Nathan iniignore na sya.
"Sino ang pinaguusapan nyo?" - tanong ni Jaye na gumising na pala.
"It's none of your business." - sagot ni Max at binalingan ulit ako. Narinig ko naman na nainis agad si Jaye kaya lumayo na sa amin.
"And hard mo sa pinsan ko." - natatawa kong sinabi.
"Hard rin naman sya sa akin." - sagot nya at nag rolled eyes pa. - "Anong plano mo ngayon na nagpapaligaw ka na?"
"H-Ha? Hindi kaya ako nagpapaligaw?" - sagot ko.
"Weh? Eh bakit mo pinapayagan na pagbuksan sya ng pinto nina manang kung ayaw mo sa kanya?" - sagot nya at kinain ang sandwich nya. Oo nga noh?
"Takaw." - narinig ko ang boses ni Jaye.
"Antukin." - irap ni Max kaya napatawa ako.
"Cute nyo." - singit ko pero nilakihan lang nila ako ng mata.
"Aminin mo na kasi, gusto mo pa rin sya." - dagdag ni Max.
Totoo kaya yun? Na gusto ko pa rin sya? I just know na kahit galit ako sa ginawa nya, gusto ko pa rin na nandyan sya sa tabi ko. Isang araw lang syang hindi nakadalaw dahil busy daw eh hinahanap hanap ko na sya. Argh! Sinanay kasi ako, eh.
"Saan ka pupunta ate?" - tanong ni Nathan nang nakita akong palabas ng bahay.
"Where the sun never-" - sagot ko pero pinutol nya ako.
"Don't you dare tell that again. Saan nga?" - tanong nya.
"Sa Tagaytay. Sa Tagaytay Picnic Grove. Kasama ko si Maxine. Bukas na ako makakauwi. K? Bye!" - sunod sunod kong sinabi at umalis na.
Niyaya kasi ako ni Maxine na pumunta doon. Since wala daw syang gagawin today. Ang rare nga kasi these past few days hirap na hirap lagi akong makameet sya tapos ngayon wala talaga syang gagawin? Nagulat ako nang binuksan ang van nya.
"Jaye?" - sabay tingin ko sa pinsan ko na nasa driver's seat. Katabi naman nya si Max. Pumasok ako at sinarado ang pinto.
"Hey." - nakangiting bati nya at pinaandar na ang sasakyan.
"Hello!" - bati ni Max.
"Kasama pala si Jaye?" - nagtataka kong tanong. Hindi kaya sya ma OP sa amin dalawa ni Max? Or hindi kaya ma OP si Max sa amin dalawa ni Jaye?
"Yup." - simpleng sagot nila.
Natulog ako buong byahe. Nagulat na lang ako nang nagising ako at nakita kung sino ang nasa driver's seat. Parang wala na ako sa van ni Max, parang nasa kotse ako ni...
"BENJ?!" - sigaw ko at humalakhak naman sya.
"What the heck i am doing in your car?! Why the heck I am with you?! What the heck is happening?" - hysterical kong sigaw.
BINABASA MO ANG
Remember Me
Roman pour AdolescentsAng ugali ng isang Samantha Jimenez ay parang sa isang aso lang. In a good way, huh. Matapang sa una, pero mahina rin pala sa huli. Yung tipong at first, laging beastmode, maldita, walang pakialam at walang respeto sa mga tao na hindi nya lubusang k...