Chapter 22

100 3 0
                                    

Halloween Ball

Ilang beses nang tumunog ang alarm clock ko pero naheardzoned ko lang.

I feel too sleepless, gabi na rin kasi ako nakauwi sa bahay at buong gabi rin kami nagtext ni Benj.

Ilang kasambahay na ang dumaan sa kwarto ko para gisingin ako pero walang magtagumpay.

"Sam, wake up. Everyone in this house heard your alarm clock since 10 am pero ikaw hindi ka pa rin nagising. You have this Halloween Ball in your school tonight at 7 pm, right?" - narinig ko ang boses ni dad habang nakabalot sa akin ang pink blanket ko.

"It's too early, dad." - sabi ko.

"It's 12 am. I know how long you girls prepare for just a stupid ball." - sabi ni dad.

"Dad, ako na po ang bahala." - sabi ni Nathan at narinig ko ang mga footsteps ni dad palayo.

Ilang sandali pa ako nakatulog bago marinig ang pag strum sa isang gitara, kaya inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at tinignan kung sino yun.

Nakita ko si Nathan na seryosong nag sstrum ng kanyang guitarra habang nakaupo sa isang couch sa kwarto ko. Pagkastrum nya ng mga 10 seconds pumikit sya at nagsimula na syang kumanta.

"Girl, close your eyes

Let that rhythm get into you

Don't try to fight it

There ain't nothing that you can do

Relax your mind

Lay back and groove with mine

You gotta feel that heat

And we can ride the boogie

Share that beat of love

I want to rock with you

Dance you into day

I want to rock with you

We're gonna rock the night away."

"Ano ate? Ayos ba?" - sabi ni Nathan nang natapos na syang kumanta.

Hindi ko namalayan na kanina pa ako nakatunganga dito. His voice sounds pretty good. Malamig na nakakainlove. And oo nga pala, he takes guitar classes. Ngayon ko lang kasi sya nakitang mag gitara. At lalong lalo ng kumanta.

"That sounded too good." - halos bulong na ang nasabi ko dahil hanga pa rin ako sa kapatid ko.

"I knew you'll like it." - ngiti nya. - "See? I made you wake up."

"Yeah, you truly did. It's the first time you do it." - sabi ko at tumayo na sya.

"Ang alin?" - sabi nya sa islang na tagalog. Parang may accent talaga 'to. - "Making you wake up?"

"Nope. Singing and playing the guitar in front of me." - sabi ko at tinaas ang isang kilay.

Ngumiti sya sa sinabi ko. - "I just wanted to know if a girl will like it. Since you're a girl..." - kibit balikat nya.

"Huh? Are you going to serenade someone?" - tanong ko at humalukipkip.

"N-No, ate. I-I mean, for girls, yea. 'Cause my teacher's a girl, that's why." - sabi nya at umalis na.

Nagising talaga ako ni Nathan dun ah! Wala na talaga ang antok ko. Kaya naligo ako at nagbihis para makapagalmusal na.

"Where's dad?" - tanong ko.

"Umalis na po." - sagot ni manang Joy.

"Anong oras na po ba?" - tanong ko ulit.

"1 pm na po, ma'am." - sagot nya.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon