Travis' POV
"Samantha!" - sigaw ko nang nakitang may isang truck na sasalubong sa kanya.
And all went too fast. Lumiko sya para iwasan ang truck pero nahulog sya sa bangin.
Agad akong bumaba ng taxi at tinignan kung nasaan sya.
It hurts me seeing her car falling down, crashing. Hindi ko alam kung paano ko natitiis ang makita syang unti unting nahuhulog sa bangin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Help me!" - sigaw ko sa driver ng taxi na agad naman lumapit sa akin.
Bumaba kami ng dahan dahan papunta sa kinaroroonan ni Sam. Wasak na wasak ang car nya, dahil bukod sa pagbagsak nito, ay nagcrash rin ito sa isang malaking puno.
Binuhay ko ang flashlight ng cellphone ko at hinanap sya. Nakita ko naman na tumatawag na ng ambulansya yung driver na kasama ko.
After 5 long minutes na paghahanap ay nakita ko rin sya. Sinubukan kong abutin sya pero hindi ko makaya. Nakaipit sya sa loob. Natataranta na talaga ako.
"No, no, no, Sam. Hindi pwede." - bulong ko habang sinusubukan abutin ang braso nya.
Pagkalipas ng ilang sandali ay narinig ko na ang sirena ng mga ambulansya at police. Agad bumaba ang mga nakasakay dito at sinubukan tanggalin ang pinto ng sasakyan ni Sam.
"What happened to her?" - tanong sa akin ng isang police.
"God! She had an accident, isn't it obvious? Now help her!" - sigaw ko kaya tinantanan na nila ako.
Agad kong tinawagan si tito habang patuloy sila sa pag iisip ng paraan para makuha si Sam. Natanggal na kasi nila yung door, eh. And it hurts me the fact na wala akong magawa para matulungan ang bestfriend ko.
"Yes, Travis?" - sabi ni tito Jaime at narinig ko ang mga parents ko na nagtatawanan sa background. - "Gabi na, you and Sam should be home na."
"Tito..." - pumikit ako ng mariin bago nagsalita. - "Naaksidente si Sam. Car accident."
"WHAT?!" - sigaw ni tito Jaime.
"I'm sorry, tito." - naiiyak kong sinabi pero pinigilan kong pumatak ang mga luha ko. Narinig ko rin na humupa na ang kaninang masayang background.
"WHERE ARE YOU?!" - tanong nya.
"I-I don't know, tito. In a mountain-" - natataranta kong sagot.
"WHAT?! BUT WHAT'S HAPPENING RIGHT NOW TO MY DAUGHTER?!" - sigaw nya.
"Sir, are you going with us?" - tanong nung isang bumaba kanina ng ambulansya. Nailabas na pala nila si Sam sa wasak na kotse nya.
"Yes." - sagot ko at pumasok na sa ambulansya.
"Tito, I'll call you later. We're taking Sam to the hospital right now. Doon na lang po tayo magkita." - sabi ko at pinatay na ang linya.
Tinignan ko sya. Dumudugo ang ulo at katawan nya. Hinawakan ko ang pulso nya. Hindi ko napigilang umiyak nang wala akong naramdaman ni isang tibok nya.
"Hindi pwede, Sam. Kahit ngayon lang, gamitin mo ulit ang pagiging matatag mo. You can't end like this." - bulong ko sa kanya at hinalikan ang dumudugo nyang kamay.
Nang nakarating na kami sa ospital ay agad syang sinugod sa ICU.
Agad naman akong nilapitan nina mom, dad, tito and Nathan.
"Anong nangyari?" - tanong ni tito Jaime at niyakap ako ni mom.
"Are you okay?" - tanong ni mom at tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Remember Me
JugendliteraturAng ugali ng isang Samantha Jimenez ay parang sa isang aso lang. In a good way, huh. Matapang sa una, pero mahina rin pala sa huli. Yung tipong at first, laging beastmode, maldita, walang pakialam at walang respeto sa mga tao na hindi nya lubusang k...