New girlfriend
Dahan dahan akong naglalakad papunta sa sasakyan namin. Dala dala ko na lahat ng chocolates, letters and flowers na natanggap ko ngayong araw na 'to.
Kanina, pagkatapos kong irecite ang poem ko sa harap nya, wala nang nangyari. Ni hindi man lang nya ako tinignan during that time.
Tinitignan ko ngayon ang mga chocolates na dala ko sa sasakyan ko. I'm willing to give up them all just to have one from Benj.
"Hello, ate!" - bati ni Nathan sa akin.
"Hi." - bati ko.
"Oh." - sabay abot ko sa kanya lahat ng natanggap ko.
Taon taon kasi sa kanya lahat napapapunta lahat ng chocolates na natatanggap ko pag Valentine's Day. Mahilig naman ako sa chocolate, but not too much to eat them all. Actually yung mga bigay ni Benj dati, bigay ni Travis at yung mga binibili ko lang ang mga chocolates na kinakain ko.
"Thanks, ate!" - tuwang tuwa nyang sinabi.
"Huy! Mag share ka naman!" - sabi ko sa kanya.
"Huh? Akala ko ba ayaw mo?" - confused nyang tanong.
"Oo nga." - sagot ko.
"So? Gulo mo ate." - sabi nya.
"I mean, mag share ka naman kina manang at sa mga drivers natin." - sabi ko. - "Masyado yan marami para sayo."
"What the? Ate!" - angal nya. - "Dati naman akin lahat ah?"
"Yes, but you need to share." - saway ko.
"Bakit ba ang bait mo bigla? I don't like it!" - sigaw nya.
Minsan talaga ang childish nito. Minsan naman mas matured kesa sa akin. Ang gulo.
"Stop being childish, Nathan! Ang dami dami nyan! You need to share!" - sigaw ko.
"But-" - angal nya ulit.
"Give something or I'll grab all of that from you." - sabi ko at humalukipkip.
Nakita ko rin na sina manang na nakapila dito sa tabi namin ay parang takot na takot na.
"Ma'am Samantha, hindi na po kailangan." - sabi ni manang Flor. - "May naibigay na naman po sa amin si Sir Jaime."
"No, manang. He needs to learn how to share." - sagot ko at nilingon ulit si Nathan.
Umirap sya at naglabas ng limang chocolate bars at binigyan isa isa sina manang.
"Nathan, mukha mo." - saway ko nang nakita ko na nakasimangot sya. Agad naman syang plastik na ngumiti at umambang aakyat na.
"Hep!" - sigaw ko.
"What." - lingon nya sa akin.
"Maglabas ka pa ng tatlo." - sabi ko.
"Why!" - sigaw nya.
"Tatlo ang drivers natin di ba?" - sabi ko at nagbuntong hininga sya habang bumababa at nilalabas ang tatlong chocolate bars at binigay sa akin ng nakasimangot. Binigay ko ang mga ito kay manang Cecil para sya na ang magbigay ng mga ito sa mga drivers namin.
"Tapos na ate?" - irita nya.
"Oo." - sagot ko at umambang aakyat na sa kwarto nya.
"Kung makasimangot ka naman dyan parang hindi puno ang kama mo ng chocolates ah?" - natatawa kong sinabi.
And it's true. Sigurado ako na maraming nahuhumaling sa gwapo kong kapatid. He's too young pero makikita mo talaga sa kanya na may itsura talaga sya.
BINABASA MO ANG
Remember Me
Teen FictionAng ugali ng isang Samantha Jimenez ay parang sa isang aso lang. In a good way, huh. Matapang sa una, pero mahina rin pala sa huli. Yung tipong at first, laging beastmode, maldita, walang pakialam at walang respeto sa mga tao na hindi nya lubusang k...