Paralyzed
"Ate, ang daya mo kagabi! Tinulak tulak mo ako para hindi ako makalaro ng maayos!" - reklamo ni Nathan habang nagaalmusal kami.
"It's your fault, too! Dapat lumayo ka sa akin!" - natatawa kong sinabi.
"Next time ulit ah?" - hiling ng kapatid ko.
"Oo na." - sabay ngisi ko.
"Ate Sam, sabay ako ngayon sayo sa sasakyan ah?" - sabi ni Nathan.
"Huh? Why naman? Malayo kaya school mo, baka ma late pa ako." - sabi ko.
"Hindi po. Mauuna kang ihatid ni manong bago ako." - sabi nya.
"Okay, then." - kibit balikat ko.
Nagusap kami ni Nathan tungkol sa iba't ibang bagay habang papunta na kami sa school ko. Nang nakarating na kami, agad kong naaninag si bastard na hinihintay ako sa gate. Nang nakita nya ang sasakyan namin, agad syang lumapit.
"Ate, who is he?" - tanong ni Nathan. - "Oh, I think I know now." - sabay ngising aso nya.
"Sige Nathan, bye." - irap ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan.
"Hi, Sam!" - ngiti ni bastard sa akin.
"Hi." - sabi naman ni Nathan na bumaba rin pala ng sasakyan. Napaface palm na lang ako. - "Who are you?"
"I'm Benjamin. Benjamin Andrew Santos De Guzman. You're Sam's lil bro, I suppose." - ngiti ni bastard sabay lahad ng kamay kay Nathan na kita kong tinignan sya mula ulo hanggang paa.
"Nathaniel Cruz Jimenez III" - sabay tanggap ni Nathan ng kamay ni bastard. - "And yea, I'm her brother." - sabay halukipkip nya.
"Nathan, di ba may pasok ka pa? Baka ma late ka pa." - sabi ko para matanggal na ang tensyon sa aming tatlo.
"Oo nga pala, ate." - ngiti nya sa akin. - "Take care of my sister, Benjamin." - malamig nyang sinabi kay bastard at sumakay na sa sasakyan.
"Sorry ah, overprotective pala yun." - sabay halakhak ko. - "Pero mabait yun."
"It's good to know na may isa pang nagbabantay sayo." - sabi nya sabay akbay sa akin.
"Stupid." - halakhak ko sabay tanggal ng braso nya sa balikat ko. - "Mga da moves mo, ah. Hindi pa tayo no." - ngisi ko.
"Hindi pa? So may plano ka palang sagutin ako?" - gulat nyang tanong habang malaking malaki ang ngiti nya.
"Heh! Dyan ka na nga!" - sabay punta sa classroom ko.
"Sabay tayong maglunch ah? Doon na lang tayo magkita." - sabay kindat nya at sumama na sa mga friends nya.
Papunta na kami ni Maxine at Monique sa canteen ng may humarang na tatlong babae sa daanan namin. Molly and the freaks.
"Samantha Jimenez, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Are you dating Benjamin De Guzman?" - pagtataray nya sabay halukipkip.
"Nope." - sagot ko.
Nakita ko na lumiwanag agad ang mukha nila. - "Good because I like-" - sabi nya na pinutol ko kaagad.
"I mean, not yet, Molly. He's courting me." - sabay hawi ko sa buhok ko sa harap nya at umambang aalis na ng sinabunutan nya ako.
"Shit!" - mura ko.
Nakita ko na lang na sina Maxine at Monique ay nakikipagaway na rin sa mga alipores ni Molly habang sinasabunutan ko na rin sya.
"Sam!" - takbo ni bastard papunta sa amin at pinaghiwalay kami ni Molly. Tumulong din yung ibang friends nya para mapaghiwalay sina Monique.
"Benjamin! Is it true? Are you courting this wicked girl?!" - hysterical na tanong ni Molly. - "I'm even better than her!"
BINABASA MO ANG
Remember Me
Ficção AdolescenteAng ugali ng isang Samantha Jimenez ay parang sa isang aso lang. In a good way, huh. Matapang sa una, pero mahina rin pala sa huli. Yung tipong at first, laging beastmode, maldita, walang pakialam at walang respeto sa mga tao na hindi nya lubusang k...