Chapter 36

116 3 0
                                    

Eyes

I'm so glad that it's almost summer, because I was absent 2 weeks. I can't see everyday their smiling faces while i'm so broken here.

"Sam!" - katok ni dad sa kwarto ko. - "Open your damn door!"

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa mukha ko. Wala akong makita, madilim eh. Nakababa lahat ng blinds ng bintana ko. Wala ni isang ilaw na napasok sa kwarto ko. I don't even know what time is it.

"Leave me alone!" - sigaw ko. - "I'm sleeping!"

"Stop locking yourself in your room! Ilang araw ka nang hindi kumakain! You need to eat something for God's sake!" - sigaw nya.

"Anong oras na ba?" - irita ko.

"It's 1 pm. Get up and eat something!" - sigaw nya pero natulog ulit ako.

Nagising na lang ako nang may biglang tumanggal ng kumot na nakabalot sa akin. Hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko ay hinila na nya ako palabas ng kama ko.

"Fix yourself and eat." - narinig ko ang boses ni Travis kaya dinilat ko na ang mga mata ko.

"Para saan pa? May pupuntahan ba ako? Wala naman di ba?" - natatawa kong sinabi.

"Papasok ka sa bathroom o kailangan pa kitang kaladkarin?" - sigaw nya.

"Okay, okay!" - ito naman, highblood masyado. Kaya pumasok na ako sa bathroom at naligo. Pagkalabas ko kinaladkad na nya ako pababa.

"Eat." - utos nya at pinaupo ako sa dining room. Marami na naman ang nakahandang pagkain.

"Wow! Sana lagi na lang akong brokenhearted no? Para naman maraming pagkain lagi." - halakhak ko.

"You're crazy." - seryosong sinabi ni Travis at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"Eat." - utos nya.

"Ang hilig mong mang utos." - sagot ko.

"Ilang araw ka nang nagkukulong dyan sa kwarto mo?" - tanong nya.

"Anong araw na ba ngayon?" - tanong ko.

"March 5." - sagot nya.

"Oh, what a coincidence! Ngayon sana ang 9th monthsary namin ni Benj." - natatawa kong sinabi pero umiling lang sya. - "Well, since March 5 na ngayon, tapos February 19 ako nagkulong, eh di mga 2 weeks ako nagkulong." - kalkula ko kahit alam ko na naman kanina pa.

"Ilang araw ka na hindi nakain?" - tanong nya ulit.

"2 or 3 days?" - sagot ko. - "Ewan, wala rin naman akong pake eh, hindi naman ako ginugutom nung time na yun." - kibit balikat ko.

"Sam, anong pwede namin gawin para mag ayos ka na?" - seryoso nyang tanong.

"Ewan ko, tanungin mo si Benj." - sagot ko pero nabigla ako nang binagsak nya ang mga kubyertos at tumayo at pinatong ang dalawang kamay sa table.

"Problema mo?" - irita ko.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko! Hindi ko na alam kung anong gagawin sayo! November 3 pa nung magbreak up kayo! It's been how many months, Sam? Four, five months?! Mag move on ka na nga! 4 months lang naging kayo ni Benj pero para sayo parang 10 years na naging kayo-" - sigaw nya.

"Wala kang pakialam kung ayaw kong mag move on! Ayaw ko kasi alam kong hindi ko kaya! Wala kang alam kaya tumahimik na lang kayong lahat! You are always pushing me to move on! Sa tingin nyo ba hindi ko sinubukan?" - sigaw ko.

"You'll never understand me! Because you've never been inlove! Because you've never been hurt! Because you've never been left! Because you've never been replaced! So shut the fuck up!" - patuloy ko.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon