Chapter 30

108 3 0
                                    

Wake up

"That was what I was trying to say." - sabi nya pero umiling lang ako ng umiling. Agad kong naramdaman na umaambon na.

"Sam, say anything." - sabi nya at tumingin ulit sa mga mata ko.

"It's not true." - giit ko.

"It is." - seryoso nyang sinabi.

"B-But why? Anong mali sa atin? We are okay naman? We didn't have any problem ah?" - naiiyak kong sinabi.

"P-Please, don't cry, Sam." - sabi nya.

"Answer." - utos ko.

"Yea, wala tayong naging problema. I was happy with you, really." - bulong nya.

"Pero ano?" - tanong ko. - "What's wrong, Benj?" - nabasag ang boses ko sa tanong ko.

"It's not you, Sam. It's me." - sabi nya.

"Stupid line! I want a reason! I can't see the real reason here! Tell me, Benj. Why?" - sigaw ko habang lumalakas na ang buhos ng ulan kasabay ng pag lakas ng buhos ng mga luha ko. Kahit nasa ilalim kami ng mga puno ramdam na ramdam ko pa rin ang pagbuhos ng ulan sa akin.

Tumingin ako sa paligid para tignan kung may nakakakita sa amin. Pero wala nang tao dito. Buti naman.

"I'm not prepared for this kind of relationship. It's too serious for me. I don't want to hurt you." - sagot nya at tumayo na. - "I'm sorry." - sabi nya at umambang aalis na pero hinawakan ko ang kamay nya. Ngayon wala na kami sa ilalim ng mga puno. Mas naramdaman ko sa mukha ko ang lakas ng patak ng ulan. Basang basa na kami pero it doesn't seem to worry us.

"You don't want to hurt me?" - sarkastiko kong halakhak. - "Really, Benj? Then tell me kung ano ang ginagawa mo sa akin ngayon! You're not prepared for a serious relationship? Eh di sana hindi mo ako niligawan! Tangina ka!" - sigaw ko at pinagsasapak ang dibdib nya.

"I'm sorry." - yun lang ang nasabi nya.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami nandoon. Nakatayo lang sya habang sinusuntok ko sya sa dibdib. He didn't have any reaction. Hindi sya umiwas sa mga suntok ko. Hinahayaan nya lang ako.

Patuloy ko pa rin syang sinusuntok ngayon. I want to kick out all this pain. I want his heart to wake up. I want his heart to feel the same way it did when he courted me. When we were happily in a relationship. Please, heart. Beat for me. Wake up. Love me again.

Nang napagod na ako ay tumigil na ako. Umangat ako ng tingin sa kanya. Kahit umuulan I can see that he's crying.

"You're crying." - sabay turo sa mga mata nya. - "You love me." - sabi ko pero agad syang umiling. - "Tell me what's wrong with me, Benj. I-I'll try to fix me for you." - pagmamakaawa ko.

"There's nothing wrong with you, Sam. You're perfect. You deserve better." - sabi nya.

"You're perfect for me." - naiiyak kong sinabi. - "I don't want or need anyone else. Ikaw lang. Just you, Benj."

"I'm sorry kasi pinaasa kita, Sam. I'm really sorry. I hope one day mapatawad mo ako. Sana... Sana makilala mo talaga ang lalaking para sayo. Yung hindi gago katulad ko. I'm really sorry, Sam." - sagot nya at tumakbo na palayo.

Pero bago pa sya makalayo ng tuluyan, sinigawan ko sya.

"Benj! Ano ba?! You made me fall in love for you! Now don't leave me hanging! Ang daya mo! Ang daya daya mo!" - sigaw ko kahit paliit na sya ng paliit sa paningin ko. Kahit alam kong hindi nya ito narinig.

Sa sobrang panghihina ko napaluhod na lang ako sa damuhan. Ang sakit. Ang sakit sakit. I really didn't see this coming. We... We were totally fine. We were happy. That's why I don't understand.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon