Chapter 34

90 3 0
                                    

Valentine's Day

Nasa klase ako ng math ngayon. Sa kalagitnaan ng pagkukwento ng teacher tungkol sa buhay nya, dumating ang principal namin.

"Sa mga inlove dyan, siguro alam nyo naman na Valentine's Day na bukas. Sa mga hindi naman inlove, siguro naman alam nyo na rin yun. Sa mga manhid naman, pinapaalam ko lang. Why? Because there will be a special assignment for all the students of this school for tomorrow." - sabi nya.

"Ano po yun?" - tanong nung isa.

"You'll need to make a poem. About love. Wala akong pakialam kung anong klaseng love. Forbidden love, problems tungkol sa age gap, sobrang gandang lovelife, moving on and letting go, basta, about love. Kahit maging bitter pa kayo sa buong poem nyo." - utos nya.

"Sa ano naman pong subject namin iprepresent ang mga poems namin?" - tanong ulit nung isa.

"Hmm, 6:00 pm. Yun yung time na lahat kayong mga students ay may klase. Kahit anong subject pa yan, you'll need to present it in front of your classmates in that time." - sabi nya at umalis na.

Walang agree sa pinapagawa ng teacher namin, pero wala na kaming magagawa. Lagi talaga syang may pakulo tuwing Valentine's day. Last year pinaggawa nya kami ng story about love.

Nagdaan ang mga oras. And yes, Valentine's Day na ngayon.

Pagkagising ko nagulat ako nang nakita ko ang isang bouquet ng pink roses sa table ng kwarto ko.

Agad akong tumayo para tignan kung kanino galing yun.

Goodmorning, ate! Happy Valentine's day!
Hugs, Nathan.

Aba! Naniniwala pala 'to sa Valentine's day, hindi ako nainform. Manhid at suplado rin yan eh.

Ayaw kong pumasok today. Parang nahihiya akong ipresent ang poem ko. Tinatamad naman akong tignan kung sa anong subject ko iprepresent yun.

Pagkababa ko ng stairs nakita ko si Nathan na ayos na ayos at may dalang isa pang bouquet ng red roses sa kamay nya.

"Para kanino naman yan?" - tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko na medyo kulot na naman sa dulo.

"Hindi na 'to para sayo." - sagot nya.

Oh, sa sulat lang nya kanina ang sweet nya, tapos ngayon masungit na. Parang mas gugustuhin ko na lang syang kausapin sa pamamagitan ng pagsusulat, ah.

"Tinanong ko ba kung para sa akin yan? Mga sagot mo talaga." - sabi ko.

"It's for someone special, ate." - sagot nya.

"May crush ka na ano? O baka naman may girlfriend ka na?" - malamig kong tanong.

"Mag isip ka kung anong gusto mo." - sabi nya. - "Basta inosente ako." - at umalis na.

Oo, inosente. Lagi nya kasing sinasabi na kasalanan daw na mainlove, magkacrush o magkaboyfriend or girlfriend.

"Ma'am Samantha, ito po." - sabay lahad ni manang ng bouquet of red roses sa akin.

"Huh? Kanino galing?" - tanong ko at kinuha ang bouquet.

"Sa dad nyo po." - sabi nya.

"Huh? Seryoso?" - confused kong tanong at binasa ang nakasulat sa card.

Goodmorning, Sam! Happy Valentine's Day!
Hugs, your dad.

What is this? Copy paste of Nathan's message?

Pero natuwa na rin ako. First time, eh.

"Manang, pakilagay na lang po itong mga flowers sa vase ko sa kwarto. Pati na rin po yung kay Nathan." - sabi ko at binalik ang flowers sa kanya at dumiretso na sa kusina para mag almusal.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon