Chapter 21

113 3 2
                                    

Moon

Friday ngayon at bukas na ang Halloween Ball, pero may match ngayon ang school namin kaya nandito kami sa soccer field.

Kanina ko pang kasama ang dalawang bruha pero hindi ko pa makita si Benj at Travis.

"Asan na kaya si Dominic?" - tanong ni Monique habang inaagawan ng fries si Maxine.

"Gamitin mo kaya ang mata mo kesa sa bibig mo?" - asar ni Maxine.

Agad kong nakitang papalapit sa amin si Nash, diretso kay Maxine.

"Hey, Max." - ngiti ni Nash.

"Hey." - sabi ni Maxine habang punong puno ng fries ang bibig nya para hindi na maagaw ni Monique.

"What you're eating?" - natatawang tanong ni Nash.

Bubuksan na sana ni Maxine ang bibig nya para ipakita ang fries na kinakain nya pero naagapan ko naman.

"Just fries, Nash." - sagot ko kay Nash habang tinatakpan ang bibig ni Maxine.

Inalis ko na ang kamay ko sa bibig nya nang nakita ko na sinarado na nya ito.

Lumapit sa akin si Nash at inakbayan ako, nasa harap naman namin ngayon si Maxine at Monique na nagtatalo pa rin dahil sa fries.

"Where's your boyfriend, little girl?" - tanong ni Nash sa akin sa malambing na boses.

"That's what I wanted to ask you." - kibit balikat ko at nilagay na rin ang kamay ko sa baywang nya.

"Cute nyo! Picture nga!" - sabi ni Monique at agad kaming kinuhanan ng picture. - "Isa pa! Blurred eh." - at kinuhanan kami ng isa pa. - "Ay sayang!" - sabi nya habang tinitignan ang picture.

"Huh? Bakit naman?" - tanong namin ni Nash.

"May gwapong photobomber." - nguso ni Monique sa likod namin.

Lumingon kami ni Nash at nakita namin ang nakahalukipkip na si Benj. Nakita ko na gumala ang mga mata nya sa mga kamay namin kaya agad kaming kumalas ni Nash.

"Ay, Benj. Kung ako ikaw, binugbog ko na si Nash." - asar ni Maxine.

"Hindi ka nakakatulong." - bulong ng pa inosenteng si Monique.

"Hey!" - bati ko para maalis na ang awkward moment na yun.

"Hey Benj!" - bati rin ni Nash at nakipaghigh five sa seryosong si Benj na titig na titig pa rin sa akin.

"Uhm, we'll leave you alone. Max, Monique, let's go." - sabi ni Nash at inakbayan ang dalawa habang papalayo sila.

"What was that?" - halukipkip ulit ni Benj.

"Ang alin?" - kunwari ko.

Nakita kong tumingin sya sa kawalan at nag igting ang panga nya. Kaya nilapitan ko sya at yinakap. Nakahalukipkip sya kaya hindi ko sya mayakap ng maayos.

"Beeenj." - tawag ko sa malambing na boses. - "Yakapin mo rin naman ako pabalik."

"I'm not like Nash." - sabi nya habang nakahalukipkip pa rin.

"I don't like him, okay? He's just being friendly." - sabi ko.

"I hate when guys are being friendly to you and you accept them with the arms wide open." - sabi nya sa malamig na boses. - "Hindi ka naman ganyan sa akin noon ah?"

"Because you're special." - angat ko ng tingin sa kanya. - "Now, can you hug me back?" - sabi ko sa malambing na boses.

Nakita kong nag iwas sya ng tingin para itago ang ngiti kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon