Chapter 16

111 3 0
                                    

Alone

Habang nag aalmusal kami, walang umiimik. Even kuya AJ and Monique. Ano yun?

And wala din imik sina James and Maxine. Parang mas galit sila sa isa't isa ngayon kesa kahapon. And kuya Josh? Ayun! Text pa rin ng text.

Dumating si Nathan na natulog pala sa taas.

"Ate Sam, what happened?" - bulong sa akin ni Nathan.

"I dunno." - simpleng sagot ko at nag almusal na rin sya.

"I need to go to the mall. Can someone be with me?" - tanong ni James.

"I can't." - simpleng sagot ko dahil may lakad kami ni Benj ngayon.

"Me too." - sabi ni kuya Josh habang nakatingin pa rin sa cellphone nya.

"Me too." - sabi ni Monique sabay tingin kay kuya AJ na kinindatan sya.

"Me too." - sabi ni kuya AJ.

"Eh ikaw ate Maxine?" - tanong ni Nathan.

"Oo nga, di ba may gusto kang bilhin na accessory for our Halloween Ball?" - ngising aso ni Monique.

"Pwede naman ibang araw na lang." - sabi nya habang pinaglalaruan nya ang kanyang cereals. Nakatitig naman sa kanya si James.

"Ikaw, Nathan. Pwede ka? I'll buy you some games." - sabi ni James.

"I can't kuya. I have taekwondo classes today. Maybe next time?" - ngiti ni Nathan.

"Sure." - ngiti nya pabalik.

"Sige na, Max. Samahan mo na si Jaye. Kawawa naman." - natatawa kong sinabi.

"Ano ba, Sam. You know they hate each other." - sabi ni kuya Josh.

"No, it's okay. I'll go alone." - sabi nya sa malungkot na boses at tumayo na.

"I-I-I'll go with you." - sabi ni Maxine. - "If you want." - sabay angat nya ng tingin kay Jaye.

"A-Are you sure?" - gulat na sinabi ni James.

"Yup. I need to buy some things rin." - sabi nya at tumayo na para magbihis ng hindi tinitignan ang pinsan ko.

Sinundan namin ni Monique si Maxine na pumunta sa kwarto ko.

"Ehem, ehem. Paayaw ayaw pa gusto rin naman pala." - bulong ni Monique.

"Naawa lang ako sa kanya. Ang dami natin kanina eh wala ni isang gustong sumama." - sabi ni Maxine.

"So kailangan ikaw talaga ang magsasave, huh?" - ngising aso ko.

"Tseh! Wala naman malisya 'to. He hates me." - sabi nya.

"Eh ikaw?" - tanong ni Monique.

"I hate him too. The feeling is mutual." - kibit balikat ni Maxine at pumasok na sa bathroom para magbihis. Bumaba naman si Monique kaya nakapagbihis na rin ako.

Nang nakaalis na si Jaye and Max, nakatanggap ako ng text kay Benj.

Benj:
Hey, sweetie! I'm outside your house na.

Kaya tumakbo ako papunta sa pinto ng bahay namin.

"Hello!" - ngiti nya sabay bigay ng bouquet of pink roses.

"Hi!" - ngiti ko at pinapasok sya sa bahay. Pinulupot nya ang kamay nya sa baywang ko at hinalikan sa noo.

"Hey! Sino yan?" - sigaw ni kuya AJ.

"Mind your own bussiness, kuya." - kindat ko sa kanya.

"Introduce him to us, Sammy." - utos ni kuya Josh.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon