Chapter 6: GOODBYE

1.4K 9 0
                                    

Nagsimula nang magsi-uwian ang ibang bisita. Nagpaalam na rin ang bride and groom.

“Pare, ingat kayo ahh..” sabi ni Arkin.

“Arkin, hatid mo naman tong pinsan ko. Gabi na masyado, wala na siyang masasakyan.” sabi ni Len sabay kindat kay

Alai.

“Oo, ako bahala sa kanya.”

Lumapit si Len sa pinsan. “Hoy! Yung pinag-usapan natin..siguraduhin mo lang na magagawa mo.”

“Sige, pare, mauna na kami.” paalam ni Caleb. Unang pumasok sa kotse si Len at tsaka sumunod si Caleb.

“Halika na..” sabi ni Arkin

“S-sige..” kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano pumasok sa ulo ng pinsan niya kaya siya ang naisipan nitong ipain kay Arkin. Magtagumpay naman kaya sila? Kakagat naman kaya ito? 

Dumiretso sila sa PARKING LOT. Huminto ito sa tapat ng isang black BMW. (WOW) . Pinagbuksan siya nito ng pinto. 

‘Gentleman naman pala’ sa isip isip ni Alai. Pumasok siya sa kotse. Umikot ito at pumasok sa drivers seat. ‘OMG..Anong gagawin niya? Paano siya magsisimula?’ Kinakabahan siya talaga.

“Saan ka nakatira?"

"Sa may Kalaw.”

“Hey!” tinapik nito ang balikat niya. “Ayos ka lang? Don’t worry I don’t bite.” natatawang sabi ni Arkin. Tumingin lang siya dito at tsaka ngumiti.

“Para kasing ang sungit mo…” simula niya.

“You’re not the first one to say that..” naka-ngiting sabi nito. “Ganon talaga ako sa mga taong hindi ko kilala, since

kaibigan ka naman nila Len. Kaibigan mo na rin ako.”

“Sige…”

 ….AWKWARD SILENCE….

“Naniniwala ka ba sa ‘soul mate’.” sabi ni Alai sa kawalan ng masabi.

“NO..A BIG BIG NO..” sabi nito nakatutok ang paningin sa kalsada.

“Why? Dahil ba doon sa ex mo?”

Tiningnan siya nito. “How did you know?”

“Ammm.. Nakwento sa’kin ni Len.”

“Madaldal talaga ang isang ‘yon.” komento nito.

“Tama naman siya. I mean..Mag move on kana..”

“Stop..” malamig na sabi nito.

“Alam mo----” hindi na niya natuloy ang sasabahin niya nang kabigin ni Arkin ang manibela. “A-ano ba!!”

“YOU DON’T KNOW ANYTHING. If you don’t stop, mapipilitan akong pababain ka.” banta nito. Nakakatakot ang

nagbabantang mata nito. Ganon ba’to ka bitter?? 

“Okay, hindi na’ko magsasalita.” pinatakbo nito uli ang kotse. Hindi nagtagal ay nasa harap na sila ng condo unit niya.

“T-thank you. Sige, mauuna na’ko.”  pababa na siya ng kotse nang pigilan siya ni Arkin.

“Wait..” hinawakan siya nito sa braso.

“B-bakit?”

“Sorry kanina. Ayoko lang talagang pinag-uusapan yung tungkol kay Yanna.”

 “Yanna?”

“My ex.”

“Ohh..”

“She’s unfair..” malungkot na sabi nito.

“Sinabi ba niya kung bakit?”

“That’s what hurt the most. She left me…nothing.”

“Siguro may valid reason naman siya, kaya lang she didn’t have enough time para sabihin sayo.”

“Sana..sana nga..”

“It’s late. Kailangan ko ng pumanhik. Inaantok na rin ako eh..”

“Sige. Good Night.”

“Good night.”

Bumaba na siya sa kotse. Bago siya pumanhik sa condo niya, hinintay niya muna mawala ang kotse sa paningin niya.

Kakaiba ang nararamdaman niya. Kakaiba ang tibok ng puso niya.

‘Alyssa San Pedro, you’re in love…’ yun ang unang pumasok sa isip niya.

Buo na ang pasya niya. 

‘Arkin Del Rosario Jr. You’re mine..’

=====

 [AUTHOR’S NOTE] 

    --- GOODBYE CALEB AND LEN!! WE LOVE YOU!! HAHAHA.. GOOD LUCK SA HONEYMOON!! LOL. PARANG TOTOO EHH..

MAHAL NAMIN KAYO!! 

CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon