Walang magawa sa bahay si Alai kaya pumunta siya sa may sakahan nila sa Pinagbakahan. Tutulong na lang siya ‘don ng may magawa man lang siya. Bising-busy siya sa paglalagay ng palay nang may narinig siyang malakas na tugtog.
Forever can never be long enough for me
Feel like I've had long enough with you
Forget the world now we won't let them see
But there's one thing left to do
Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way ...
Nanggagaling iyon sa traktora nila . Nagtataka siya katatapos lang bungkalin ng lupa pero may gumagamit pa rin nito,
“Mang Isko? Ba’t niyo ginagamit yan?” tanong niya sa matandang nagmamaneho ng traktora.
Ngumiti lang ito sakanya.
‘Aba! May toyo yata tong matandang ‘to. Tinatanong ‘ko nginitian lang ako?’ sabi niya sa sarili. Sisintahin sana niyan ito, nang itigil nito ang traktora sa harap niya. Noon lang niya napansin ang isang banner na nakasabit ‘don.
“WILL YOU MARRY ME ALYSSA? IF YES, LOOK BEHIND YOU.” ‘yon ang nakalagay sa banner.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang mabasa ang nakasulat. Unti-unti siyang lumingon sa likod niya. May nakita siyang lalaking nakatayo ilang metro ang layo sa kanya. May suot itong farmers hat, hindi niya makita ang mukha nito dahil nakayuko ito.
Unti-unti itong lumapit sa kanya. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng kantang ‘yon.
Marry Me
Today and every day
Marry Me
If I ever get the nerve to say
Hello in this cafe
Say you will
Say you will .....
Hanggang sa huminto ito sa harap niya. He pull up his head facing her. Napasinghap si Alai.
Si Arkin!
“A-anong ginagawa mo dito?” nagkakandautal niyang tanong.
“I’m here for you.”
“Diba-----” hindi na niya naituloy ang sinasabi nang ipinatong ni Arkin sa labi niya ang isang daliri nito.
“Let me speak first. Ms. Alyssa San Pedro, i love you. I really do. Nung araw na nakipaghiwalay ka sa’kin, daig ko pa ang namatayan. Buhay nga ang katawan ko, patay naman ang puso ko.” huminto ito sa pagsa-salita at pinunasan ang mga luha niyang hindi niyang napansing tumutulo na pala.
“Ginawa ko ang sinabi mo. Nag-unwind ako. I find out na hindi ko na talaga mahal si Yanna. It is you I really love and it will always be you.”
“Anong ginawa mo sa U.S.?”
Tumaas ang isang kilay nito. “How did you know?”
“Sagutin mo na lang ang tanong ko.”
“Okay.Okay. Pumunta ako sa puntod ng isang kaibigan.”
“Sinong kaibigan?”
“Si Yanna.”
“Kaibigan? Anong ginawa mo ‘dun? Lumuhod ka sa harap ng puntod niya at hiniling na bumalik na siya sayo.” puno ng sarkasmo ang tinig niya.
“Ano ako sira? Alam kong adik ako sa ‘Plants vs. Zombies’ pero hindi pa’ko nasisiraan ng ulo. Paano nga kaya kung nabuhay nga si Yanna ‘non? Shocks. Wala akong Pea shooter at Sunflower.” biro ni Arkin.
Tiningnan niya ito ng matalim.
“Okay. Serious na. Nagpunta ako ‘don kasi nag-sorry ako sa kanya. Feeling ko kasi ay ako ang may kasalanan sa pag-kamatay niya. Imagine nung andoon siya sa U.S. para magpagaling, sinusumpa ko siya sa sobrang galit ko, wishing na sana mamatay na siya. Nung nalaman kong patay na siya, i feel guilty. So, i go to her grave asking for her forgiveness.”
“Arkin...”
“Ngayong wala na kong responsibilidad kay Yanna. Ang responsibilidad ko naman sayo ang haharapin ko. You taught me how to love again na kahit sobrang kulit mo, I can't help myself falling for you again and again.” Lumuhod ito sa maputik na lupa at kinuha ang isang kahita sa bulsa. “Alyssa San Pedro. The Love of my Life. Will you Marry me?” binuksan nito ang kahita. Isang Diamong ring ang nasa loob 'non.
"Paano kung sabihin kong...HINDI?"
Napuno ng kaba ang dibdib ni Arkin. "Akala ko ba mahal mo'ko?" tumayo ito.
"Hindi pa kasi ako tapos, eh. Bumabanat ka na. Patapusin mo muna ako. Take toe.Take two. Ulit uli."
"Pinakaba mo naman ako, eh." lumuhod uli ito at inulit ang ginawa kanina. "Alyssa San Pedro. The Love of my Life. Will you Marry me?”
"Hindi. Hinding-hindi ako makakatanggi sayo! OO ARKIN! OO!" niyakap siya ni Arkin.
"Wait lang. Yung singsing isuot mo muna. Baka mamaya mawala pa 'yan."
Isinuot ni Arkin ang singsing sa palasingsingan niya."Thank you."
"Para saan?"
"Hindi mo'ko sinagot ng 'NO'."
"Bakit ako sasagot ng 'NO'? Mahal na mahal kita, eh."
He kissed her. Nagpalakpakan ang lahat ng trabahador ng sakahan.
And after that kiss Alyssa knows that they will live 'Happily ever After'!!
======
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanfictionHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...