Naging masaya ang mga sumunod na araw nila Alai at Arkin. Lagi silang magkasama. Pag-papasok siya sa trabaho ay laging may tatlong red roses sa mesa niya. Kumalat na din ang balitang sila na ni Arkin sa buong opisina. May mga natuwa at syempre mawawala ba naman ang mga kontra. Mga ambisyosa at tsimosang dalahira. Grabe manglait kala mo kung sinong magaganda kamukha naman ni patani!!
--BANYO--
Nasa cubicle si Alai nang may narinig siyang nag-uusap.
Girl1: Totoo ba yung balita?
Girl2: Alin?
Girl1: May girlfriend na daw si Sir? Yung secretary niya daw.
Girl2: Weh? Kanino mo ba naman nabalitaan yan? Mag-kakalat na lang ng tsismis hindi pa pumili ng maganda-gandang I-
papartner kay Sir!!
Nagtawanan ang dalawang bruha.
‘Aba! Bakit? Hindi ba’ko maganda!!’
Girl1: Gaga! Sa tingin ko totoo yun kasi laging kasabay ni Sir umuwi eh.
Girl2: Ano ba naman yang si Sir! Papatol na lang sa mukha pang ulikba!
Hindi na nakatiis si Alai. Lumabas na siya ng cubicle.
“Excuse me? Ako ba yung sinasabi niyong mukhang ulikba???” tanong niya sa mga ‘to.
Nagulat ang dalawang impakta. Hindi na nakapagsalita.
“Sa susunod bago kayo mamintas titigan niyo muna ang sarili niyo sa salamin.” tumingan siya kay Girl#1. “Ikaw wag kang
masiyadong tsismosa. Lalagayan ko ng sili yang dila mo,eh.” and then kay Girl#2. Tiningnan niya ‘to mula ulo hanggang paa. “At ikaw! Kala mo kung sino kang maganda. Mula ulo mukhang paa! Ako mukhang ulikba? Eh, tumingin ka nga sa salamin! Mukha kang na-tipus na hippopotamus.” wala siyang pake kung grabe ang panlalait na sinabi niya dito. Bakit?
Masama bang magsabi ng totoo. Umalis na siya sa banyo at baka kung ano pa ang masabi niya sa dalawang inggiterang mukhang kurimaw.
Bumalik na siya sa main office. Papasok na sana siya nang may narinig siyang usapan, nanggagaling sa conference room. Boses ni Arkin at ng isang babae ang naririnig niya. Nakabukas ng konti ang pinto ng Conference room. Sinilip niya ang loob. Nasa dulo si Arkin at nakatayo habang ang babae naman ay nakaupo. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nang dalawa. Dapat ay aalis na siya kasi akala niya ang tungkol sa negosyo ang pinag-uusapang ng dalawa. Pero narinig niya ang pangalan ni Yanna. Kaya nakinig na siya sa usapan ng dalawa.
=====
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanfictionHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...