Bumalik na ang magpinsan sa reception hall. Nagkakayayaan na maglaro na ng bouquet and garter game.
Si Len ay umakyat sa maliit na stage at inihandang ihagis ang bouquet, habang ang mga babae ay nagaabang na sa baba. Hinanap ng mata ni Len ang pinsan, si Alai dapat ang makasapo ng bouquet.
At ayon sa plano nila ni Caleb si Arkin ang dapat makakasapo sa garter. Ngayon nila sisimulan ang plano. ‘Make Arkin fall for Alyssa’, that’s there plan. Nagsimula na siyang bumilang.
1...2..3.…
Hinagis na niya ang bouquet. At ang nakasapo si Alai!!
Success!!
Binulungan niya si Caleb.
“Heart, stick to the plan.”
“Okay.” pumanik na si Caleb.
And one..two..three..hinagis na ni Caleb ang garter. At ang nakasalo.. Si AKI?? Nasaan si Arkin?
Napatayo ang bride.
“Teka lang!!” pagpro-protesta ni Len. Hinanap niya si Arkin. ‘aba ang mokong loner na naman’. Pinuntahan niya ito.
“Arkin!!”sigaw niya dito.
“What?” tanong nito.
“You suppose to be there, nakiki-agaw ka dapat ‘don oh.” tinuro niya ang pulutong ng mga lalaki na nakatingin sa kanila.
“Ayoko nga. Baduy niyo naman.” angal nito.
Hinawakan ni Len si Arkin sa braso at hinila papunta sa pulutong. Nag-protesta ang lalaki.
“Len ano ba!!”
“Arkin for me, please . Makiagaw ka. Gift mo na sa’kin ito.” sabi ni Len.
“Haay, naku. Sige na nga.” pagsuko nito.
“Thank you.” pumunta ang bride kay Aki, at kinuha ang garter.
“Hey! Ako ang nakasapo niyan.” tiningnan ni Len si Aki ng masama.
“May sinasabi ka?”
“Wala.” sabi ni Aki.
Binigay ni Len ang garter sa mister.
“Heart, ayusin mo naman ang pagbato.”
“Sige,sige..”
Wala ng umangal sa nangyari.
“Okay, take two tayo!!” masiglang sabi ni Len.
Bumilang uli si Leb at tsaka hinagis ang garter. Bumagsak ‘yon sa harap ni Arkin.
“Arkin, kunin mo dali!!” sigaw ni Len.
Nagtataka si Arkin hindi kinukuha ng ibang lalaki ang garter, natakot siguro sa bride. Halata naman kasi na siya ang
gustong makakuha ng garter. May balak na naman ang mga ito sa kanya. No choice . Dinampot niya ang garter. Nagpalakpakan ang mga tao. Nakita niyang ngiting-ngiti ang mga kaibigan niya. Okay, siya na naman ang trip ng mga ‘to. At sigurado siyang ang may pakana nito ay ang bagong kasal.
Tingnan niya ang babaeng nakaupo at hinihintay siya.
Lumapit siya dito, lumuhod siya sa harap nito.
“Hi.” bati niya dito. Hinawakan niya ang binti nito at sinimulan na niya ang pagsuot dito ng garter.
“H-hi.” nahihiyang sabi nito.
“What’s your name?”
“Alyssa..”
“Alyssa..hmmm..your name suits you..”
“H-haa??”
“Your name is pretty…lalo na ang may ari..”
“T-thank you..”
Tumayo na si Arkin. “Done.” Naglakad na ito palayo.
=====
GRABE!! TAKOT SILA SA BRIDE!! HAHAHA..
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanficHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...