Naalipungatan si Alai sa isang maingay na tunog. Bumangon siya sa kama at tsaka umupo sa gilid nito. Pinatay niya ang alarm-clock. Tinatamad pa siyang gumising. Ala-una na kasi siya nang umaga nakatulog. Inatake siya ng insomnia kagabi. Insomnia nga ba O hindi lang talaga siya makatulog dahil sa nangyari. The kiss.
Natauhan siya. Anong oras na ba? Tumingin siya sa orasan it’s already eight in the morning.
“Shit! Late na’ko” dali-dali siyang pumasok sa banyo. Isang mahamadaliang ligo ang ginawa niya. Wala pa yatang ten minutes ay tapos na siya.
Dumiretso siya sa kanyang walk-in closet . Sinuot niya ang isang white above knee skirt at isang pink blouse. Hindi na niya pinatuyo pa ang buhok niya ipinusod na niya ito. Humarap siya sa salamin and put a make-up on. Dinampot na niya ang bag at sinuot ang kanyang sandals. Dali-dali siyang lumabas at sumakay sa private lift. Pagbaba na pagbaba nang lift ay tumakbo na siya palabas ng hotel. Agad siyang pumara nang taxi. Tumingin siya sa relo niya. Mage-eight thirty na. Buti hindi pa traffic. Exact nine nang dumating siya sa opisina. Dali-dali siyang sumakay ng elevator. Nasa last floor ang pinaka-main office.
Pagbukas ng Elevator ay halos lakad-takbo ang ginawa niya. Pag-tapat niya sa pinto ng main office ay hingal na hingal siya. Inayos niya ang sarili niya. Kumatok siya. ‘Come in’,boses ni Arkin ‘yon. Bumilang siya ng one to three bago pumasok.
“I’m sorry, I’m late, Sir.” kinakabahang sabi niya. Pagpasok na pagpasok niya. Parang tambol ang tibok ng puso niya.
Rinig na rinig niya ‘yon.
Arkin was sitting in the side of his table staring at her. Isinara niya ang pinto at yukong-yukong dumiretso sa pwesto niya.
“It’s okay.” sabi nito. Tumayo ito at tsaka lumapit sa kanya.
He stopped beside her. He touched her hair.
“Basa pa ang buhok mo. Bakit hindi mo muna pinatuyo bago mo itinali?” tanong nito still caressing her hair.
“Wala na kong oras para patuyuin, sir. Late na kasi ako.”
“Ganon ba?” tinanggal nito ang pagkakapusod ng buhok niya. “Baka sumakit ang ulo mo kung hindi mo patutuyuin ‘yan.
Wait, kukuha lang ako ng towel.” pumunta ito sa banyo at kumuha ng towel sa towel rack.
Iniabot nito ang towel sa kanya.
“T-thank you, sir.” pinunasan niya ang basang-basang buhok niya. Hindi pa rin ito umaalis sa tabi niya.
“Anong oras ka na nakatulog?” biglang tanong nito.
“One in the morning.”
“Why?”
“I don’t know.”
“Well, we’re the same. I can’t sleep last night.”
“Sir, excuse me. Pupunta lang po ako ng C.R.” paalam niya. Dumiretso siya sa banyo. She closed the door. Tinitigan niya
ang sarili sa salamin. She’s pale. Dinama niya ang pintig na puso niya. Hindi pa rin normal ang tibok ‘non.
‘Bakit ganon ang kinikilos ni Arkin?’ hindi niyang maitanong sa sarili.
========
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanfictionHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...