Alas-sais na nang gabi natapos si Alai sa trabaho. Lumabas na siya ng building at tsaka pumunta sa waiting area. Ang lakas ng ulan nang araw na ‘yon, buti na lang may payong siya. Hindi niya alam kung nakauwi na si Arkin dahil alas-dos ng hapon kanina ay umalis ‘to para sa isang meeting. Kaya ayon naiwan siya sa opisina. Sobrang hirap pa naman makahanap ng taxi nang mga oras na ‘yon sabayan pa nang malakas na ulan.
Nagulat na lang siya nang may humintong sasakyan sa harap niya. Bumaba ang bintana ‘non. At ang sakay ‘non ay ang kanyang magaling na boss.
“Alai, sumabay ka na.”
“Wag na, sir. Nakakahiya naman.”
“Halika na.”
“Wag na nga po.” SPELL P-A-K-I-P-O-T..
Bumaba ito ng kotse at dali-daling pumunta sa kinalalagyan niya. Kinuha nito ang gamit niya at paying.
“Halika na. Ihahatid na kita.” hinawakan siya nito sa kamay. Binuksan nito ang payong. Binuksan nito ang pinto ng kotse
at tsaka siya pinasakay. Nang makasakay siya ay umikot ito sa driver’s seat. Sumakay ito doon.
“Haayy.. Basa na tuloy ako.” reklamo nito.
“Sabi ko naman sayo, wag na.”
“Pwede ba naman ‘yun? Employee kita?” nilagay nito ang payong sa back seat. Pinaandar na nito ang kotse.
“Okay lang bang patayin ko yung aircon? Malamig, eh.”
“Okay lang. Nilalamig na din ako.”
Pinatay na nito ang aircon.
“Magpapatugtog ako, ah.”
“Sige lang.”
Binuksan nito ang radyo. Isang love song ang tumutugtog.
‘Fallin by Janno Gibbs.’
‘Our little conversations that.
Are turning into little sweet sensations
And they’re only getting sweeter every time
Our friendly get togethers,
Are turning into visions of forever
If I just believe this foolish heart of mine
I can’t pretend, that I’m just a friend,
Cause I’m thinking maybe we were meant to be
I think I’m fallin, fallin, in love with you
And I don’t, I don’t know what to do
I’m afraid you turn away
But I’ll say it anyway
I think I’m fallin, fallin for you
I’m fallin for you…’
Alai felt uneasy, ‘ba’t yan pang kantang ‘yan.?’
“Do you like the song? O gusto mong palitan ko?” tanong ni Arkin.
“Okay lang.” ‘O di ba nga!’
Shocks. Nakaka-relate siya sa lyrics. Hindi na lang niya pinansin ang kanta. Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa condo niya.
“O paano bukas na lang.”
“Thank you, sir.”
‘Oh.NO!’ That look again! Nakatitig na naman ito sa kanya.
“S-sir.Bababa na’ko. Thank you ulet.”
Hinawakan siya nito. Nagulat siya.
“After this…”
He kissed her. After that kissed she’s still shock.
“Alyssa. We will talk about this tomorrow. You can go now.”
Tumalima siya. Bago niya sinara ang pinto ng kotse ay nakita pa niyang titig na titig pa rin ito sa kanya.
Wala na ang kotse sa harap niya ay andoon pa rin siya. Hindi niya magawang umalis sa kinatatayuan niya.
Nagulat siya sa ginawa nito. Maraming tanong sa isipan niya. Mabilis pa rin ang pintig nang puso niya. Nagulat siya nang may nagsalita sa likod niya.
“Ma’am, ayos lang kayo?” guard ‘yon ng condo.
“Ahh.. Oo.” dumiretso siya sa private lift niya. She clear her mind.
‘Malalaman mo ang sagot bukas. Bukas.’ sabi niya sa sarili.
=======
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanfictionHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...