Chapter 11: FIRST DAY

1.2K 8 0
                                    

Maagang gumising si Alai. Alas-otso pa ang pasok niya. Alas-sais na nang umaga. Kumain na siya ng agahan at tsaka naligo. Ang sinuot n’yang damit ay ang piniling damit kahapon ni Rufranz. A black skirt above the knee and a white sleeveless blouse. Inipit niya ang buhok niya para mas magandang tingnan.

Saktong alas-siyete na nang umaga nang matapos siya sa pag-aayos. Kinuha na niya ang shoulder bag niya at tsaka niya sinuot ang black sandals niya na may three inches na takong. Bago siya lumabas ng condo ay tiningan niya muli ang sarili sa salamin. Perfect. 

Sumakay siya ng taxi para mas madaling makapunta sa opisina. Thirty minutes ang tinagal ng byahe. Pagpasok niya sa lobby at lumapit siya sa reception area para itanong kung saan ang opisina ni Arkin. 

“Miss.”

“Yes, ma’am? What can I do for you?”

“Itatanong ko lang kung saan ang office ni Mr.Arkin Del Rosario?”

“Ano pong pangalan nila?”

“I’m her new secretary.”

“Ms.San Pedro?”

“Yes.”

“Wait lang po.” tinawag nito ang guard.

“Ma’am sumunod na lang po kayo sa guard.” sabi sa kanya ng receptionist.

“Okay.”

“This way ma’am.” nauna sa kanya ang guard. Sumakay sila sa elevetor. Narating yata nila ang pinakataas na floor ng

building.

Binaybay nila ang daan patungo sa office ni Arkin. ‘Susko, eto ba lagi ang pupuntahan niya araw-araw?’

Huminto ito sa tapat ng isang pinto, pinagbuksan siya nito ng pinto. ‘WOW’ 

“Wala pa po si ‘Big Boss’. Eto yung table mo. Ayusin mo na lang ang mga gamit mo d’yan.” sabi sa kanya ng guard.

“Big boss??” tanong niya sa guard.

“Si Sir Arkin po. Siya po ang may-ari ng kompayang ito.” Nanganga siya sa sinabi nito.

              ‘Si Arkin ang may-ari nito?’ Hindi siya makapaniwala.

“Thank you.” sabi niya sa guard.

“O sige ma’am. Iiwan ko na kayo.” umalis na ito.

Pinagmasdan niya ang kwarto na ‘yon. Mas malaki pa ‘yon sa lobby. She didn’t expect that. Akala niya ay mataas lang ang katungkulan ni Arkin doon. ‘Yon pala ito ang may-ari nang buong kompanyang ‘yon. Nilibot niya ang kwarto may maliit na kusina ‘yon, may banyo rin, at nang buksan niya ang isa pang pinto doon ay nakita niya ang isang kama. May bedroom din doon? Pwede rin pag-pagod nga naman, pwedeng mahiga doon. Pinuntahan na niya ang pwesto niya, may computer, ayos may panlaban siya sa antok. Inayos na niya ang mga gamit niya.

Hindi nagatagal ay may pumasok sa opisina. Tuloy tuloy ito sa malaking lamesa. Umupo ito sa swivel chair. 

“Good Morning, sir.” bati niya dito.

Tumingin ito sa direksyon niya. Parang nagtataka pa ito. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

“Alyssa? Oh, sorry. Nakalimutan kong may secretary na pala ako. Good Morning din.”  tinitigan pa siya nito nang ilang

sandali.

“Sir? Gusto niyo ng coffee?” tanong niya dito. 

“Yes, please. Black coffee ah.” bumalik na ito sa mesa nito. Siya naman ay pumunta sa kusina. Pinagtimpla niya ito na kape. Nang matapos ay dinala niya ito sa mesa nito.

“Sir, anything else?”

“Sana’y ka mag-encode?”

“Yes, sir.”

“Encode this.” may binigay ito sa kanyang papel.

“Okay, sir. Kung may kailangan pa kayo, tawagin niyo lang po ako.”

“Thank you. Go to your place now.” 

Bumalik na siya sa lugar niya. 

‘Okay, Alyssa. You’re day starts now.’

========

CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon