Sa isang restaurant sa may ‘The Fort’ sila humantong. Kaninang nasa biyahe sila ay tumawag na ito sa restaurant at nagpa-reserve ng mesa.
“Bakit dito pa tayo kakain. Pwede namang doon na lang sa dati, eh.”
“Diba sabi ko sayo mag-uusap tayo.”
“Pwede namang doon na lang tayo mag-usap.”
“Gusto kong malayo, eh. Para hindi ka makatakas.”
“Makatakas?”
“At least ito, malayo sa opisina.”
Tumaas ang kilay niya. “Oo nga pala, paano ‘yun may trabaho pa’ko.”
“Don’t mind that. Nagpaalam na’ko kanila Annie.”
“Anong pag-uusapan natin?” tanong niya.
“Tungkol sa’ting dalawa.” walang gatol na sagot nito.
“Sinabi ko na ang dapat mong malaman.”
“Oo sinabi mo na. Ngayon I-eexplain ko naman ang side ko.”
“Okay, start.”
Huminga ito ng malalim. “I think I like you..”
Her eyebrow shot up. “Think?”
“I don’t know. Naramdaman ko na lang ito bigla. I don’t know this feeling.” seyosong sabi nito.
“So?”
“I want you to be my girl.” deretsong sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. He want her to be his girl.
“Ano ako sira?” bigla na lang niyang sabi. Syempre papahirapan muna niya ito.
“Huh?” nagtatakang tanong nito.
“Probinsyana ako. Old fashioned.” sabi niya.
“Ano naman ngayon?”
“Akala mo ganon na lang ‘yon? Sasabihin mo sa’king gusto mo akong maging girlfriend, then ano, gusto mo oo kagad
sagot ko. Sorry, hindi ‘yon ganon kadali.” sabi niya dito.
“Anong ibig mong sabihin.”
“Ligawan mo ko.” naka-ngiting sabi niya dito.
“Ako? Manliligaw?” gulat na tanong nito.
“Oo.”
“No! Never!” tanggi nito.
“Aba! Ayaw mo? Edi manigas ka.”
“Alyssa. You’re making it hard for me. Hindi ako sana’y manligaw.” he confessed.
“Hindi ka sana’y manligaw? Problema ba ‘yon? Edi magsanay ka.” Nagtataka siya. Paanong hindi ito sana’y manligaw.
Paano nito naging girlfriend si Yanna?
“Okay. I’ll try.” pagsuko nito.
“Arkin may tanong ako.”
“Ano.”
“Paanong hindi ka sanay manligaw e diba nagka-girlfriend ka na. Si Yanna?”
Napatitig lang ito sa kanya. “We’re chilhood friend. Magkasama kami sa lahat ng bagay. I love her kahit nung mga bata pa kami. Nagtapat ako, willing akong ligawan siya kahit hindi ako sanay. Sinabi ko lahat lahat sa kanya. And what’s more suprising she feel the same. Sinagot na niya ako. Hindi na kailangang manligaw kasi kilalang-kilala naman niya ako. Were very happy before…” hindi na nito tinuloy ang sasabihin. Alam naman niya kung ano yung sumunod na nangyari. Nag-proposed si Arkin then tinanggihan ni Yanna.
Naawa na naman siya dito. Kitang-kita sa mga mata nito ang lungkot. He really did love her.
“Mahal mo pa ba siya?” tanong niya.
“Alam mo hindi kita dinala dito para pag-usapan si Yanna.”
She looked at him again. Hindi nito sinagot ang tanong niya. Isa lang ang ibig sabihin. He still loves her. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa puso. Naiinggit siya kay Yanna. Wala na ito sa buhay ni Arkin pero ito pa rin ang mahal ni Arkin.
Gusto niyang siya ang mahalin ni Arkin.
“Arkin, yung sinabi ko kanina. Kalimutan mo na. Sinasagot na kita. Girlfriend mo na’ko.” deretsong sabi niya. Desidido na siya. Papalitan niya si Yanna sa puso nito. Gagawin niya ang lahat.
“Talaga?” ngumiiti ito. Inabot nito ang kamay niya. “Alyssa, totoo ba ang sinabi mo?”
“Oo,nga. Ayaw mo ba?”
“Hindi. Ang bilis mo naman yata magiba ng desisyon.”
Nginitian niya ito.
“Alyssa. I promise hinding-hindi kita papaiyakin.”
“Oo na. Tama na ang bola. Kumain na tayo at nag-rereklamo na tong tiyan ko.”
“Okay.”
Kumain na sila. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ni Arkin. Hindi na sila bumalik sa opisina. Hinatid na siya nito sa condo niya.
====
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanfictionHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...