Chapter 2 :Party Party

1.7K 9 1
                                    

--Renalyn---

“Ano ba naman ‘yan, ‘couz. Wala man lang ‘baby shower’, wala tuloy boys.” angal ni Alai sa ikakasal niyang pinsan. Ikakasal na ito sa makalawa kaya ito nagce-celebrate silang magka-kaibigan.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Alai.” sabi sa kanya ni Len.

“Paano kasi wala pang boyfriend.” nakangising sabi ni Aayeng.

“Bakit ikaw meron kana?” baling ni Alai dito.

“Malapit na…” sabi nito.

“Haay..na’ko. Pagsabihan niyo yang si Rufranz, may binabalak ‘yan.” sabad naman ni Cindy.

“Ay! Na’ko Aayeng! Wag kang magha-hasik ng lagim sa kasal ko waa!!” angal ni Len nang matunugan ang sinasabi ni Cindy.

“Hindi aahh.. Syempre hindi ako manggu-gulo ‘don. Moment niyo ni Leb  ‘yon eh.” sabi nito.

“Sa kasal siguro, hindi. Eh sa reception?” ani Cindy.

“Ano ba naman kayo! Hayaan niyo na lang kami ni Rufranz maghanap ng boylets namin. Ang balita ko pa naman

maraming friends si Leb na gwapo! So, opportunity na namin ‘yon! Wag niyo naman kaming itulad dito kay Faith na walang gustong kaharap kundi ang laptop at camera niya. Hoy! Faith hindi ka na bumabata!! Tumatanda ka na!” mahabang litanya ni Alai.

“Pwede ba! Nananahimik ako dito oh! Pati ako dinadamay niyo sa kalanturan niyo.” naiinis na sabi ni Faith.

“Tama na! Andito tayo para mag-celebrate para sa kasal ko! Alai at Rufranz, don’t worry akong bahala sa inyo. May pinartner na ko sa inyo.” saway ni Len sa mga kaibigan.

“Sino ‘couz ?” excite na tanong ni Alai.

“Edi yung mga ka-partner niyo sa entourage,” sabi ni Len.

“Gwapo ba yung mga ‘yun?” tanong uli ni Alai.

“Hindi sila gwapo… Sobrang gwapo..” pagma-malaki ni Len.

Nagka-tinginan sina Alai at Rufranz tsaka nag-appear ang dalawa.

“The best ka talaga ‘couz.” sabi sa kanya ni Alai.

“Oo,na! Cheers!!” sabi ni Len.

---Caleb---

“Sino bang nakaisip ng ‘stag party’ na’to? Pag-nalaman ‘to ni Len, patay na naman ako!” natatawang sabi ni Caleb.

“Itanong mo ‘don sa kambal. Pati ako kinaladkad dito.” naiinis na wika ni Arkin.

“Ang killjoy nitong dalawang ‘to!” sabi ni MM.

“Dapat lang na mag-party tayo Leb! Sa isang araw hindi ka na binata!” sigaw ni MJ.

“Woooo!! Ayan na!!” sigaw ni Kiko. 

 May pumasok na dalawang babae na nakasuot ng sexing damit. Lumapit ang isa kay Caleb at tsaka siya sinayawan, habang ang isa naman ay nakikipag-sayawan kanila MM, MJ, Kiko. Si Arkin ay andon lang sa sulok at nagmamasid habang umiinom ng alak.

“Ahhh..nooo..” angal ni Caleb. Pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa kasintahan.

“What’s the problem, lover boy?” tanong ng babae.

“Ahhh, miss. Pwede bang doon ka na lang sa tatlong mokong na ‘yon.” tinuro niya ang grupo nila MM na aliw na aliw sa pagsayaw ng babae. “Hindi ako comfortable ehh.”

“Okay..” umalis ang babae. Pinuntahan niya si Arkin na tahimik lang na nakamasid. 

“Pare..” bati niya dito. “Ba’t ang tahimik mo?”

“Wala lang, naisip ko lang ganito din kaya ako kasaya kung ako ang ikakasal?” madilim man ay kita ni Caleb ang lungkot sa mga mata nito.

“Pare, she’s  not worth it. Iniwan ka niya, nagmukha kang tanga. Hindi pa ba sapat ‘yon para kalimutan mo na ang nakaraan mo…para kalimutan mo na si Yanna.”  sabi ni Caleb.

“Ewan ko ba, pare. Ilang beses ko na rin yan sinsabi sa sarili ko. But I always end up screwing myself. Drunk every night. Crying alone. Thinking what I’ve done that makes her left me.” pagak na tumawa ito.

“Alam ko mahirap. Pero sabi nila, pare, ‘panibagong pag-ibig din daw ang kayang maghilom ng sugat ng puso na iniwan nang nakaraang pag-ibig’ .” sabi ni Caleb.

“What do you mean? Maghanap ako ng babaeng, mamahalin ko uli?” tanong niya.

“Yes.”

“Natatakot ako, pare. Paano kung mangyari uli ‘yon.” sabi ni Arkin.

“Isa lang ang ibig sabihin ‘non, pare. Tatanda kang binata.” biro ni Caleb.

“You’re making fun of me.” naiinis na sabi ni Arkin.

“No. Think about what I’ve said, pare.” seryosong sabi ni Caleb.

Sa tingin niya tama si Leb. Panibagong pag-ibig ang sagot sa lahat.

======

CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon