Ikinuwento niya ang sad love story ni Arkin sa mga ito.
“Awww.. Ang ganda naman ni ate !! Si Arkin na yong nag-propose aahh.. Tinanggihan pa niya.” sabi ni Cindy.
“Oo nga, eh. Kung ako ‘yon susunggaban ko na ang pagkakataon. Gwapo na mayaman pa! Sa’n ka pa??” sani ni Rufranz.
“Sabi ni Len. Baka daw hindi mahal ni Yanna si Arkin. Kaya parang wala lang sa kanya.” si Alai.
“Baka nga..” si Faith.
“Hindi rin, eh. Kung hindi mahal ni Yanna si Arkin? Bakit siya nakatagal sa limang taon na pagsasama nila?” makahulugang sabi ni Cindy.
“Kasi mayaman si Arkin? Kung ako ‘yun makakatagal din ako.”si Rufranz.
“Aayeng!! Seryosong usapan ‘to.”saway ni Faith.
“Seryoso naman ako, ahh. Hindi naman imposible ‘yon ahh.” pagtatanggol ni Rufranz sa sarili.
“Pwede rin..Pero ba’t ba ‘yon ang prino-problema natin. Kaya ko kayo pinatawag dito dahil kailangan natin mag-plano.Paano Ako magagawang magustuhan ako ni Arkin?!!” sabi ni Alai.
“Malaking problema nga ‘yan. Mabuti kung ako yung gagawa nyan hindi ko na pro-problemahin,” sabi ni Cindy.
“Ikaw na! Ikaw na maganda! Grabe ka waa! Parang sinabi mo na rin na ’ako na ang pinaka-pangit na tao sa mundo!” naiinis na sabi ni Alai.
“Joke lang ‘yon. Ikaw naman hindi ka na mabiro.”
“Serious talk nga kasi ‘to di ba? Gusto mo ‘dun ka sa labas, ‘dun ka mag-joke.” sabi ni Faith.
“Tama na. Mag-plano na tayo.” saway ni Rufranz. “Wala ka namang problema sa itsura mo. Makinis.Maputi.Matangos ang ilong.Kissable lips.Matangkad.Perfect curves.”
“Ako ba yang dini-describe mo?? O si Anne Curtis?” tanong ni Alai.
“Si Anne. Bakit? Akala mo ikaw? Taas ng pangarap mo, ‘teh!!” natatawang sabi ni Rufranz.
Nagtawanan ang mga ito. Nang mapansin ng mga ito na seryoso siya ay natahimik ang mga ito.
“Tutulungan niyo ba’ko O hindi?” tanong niya.
“Haayy..Sige na,Sige na. Kagaya ng sinabi ko kanina. Wala kang problema in terms of looks. So, sa tingin ko para-paraan na lang ‘yan. Stalk him? Try to get close to him?” si Rufranz.
“Try to get close to him?.” Tama. Makikipaglapit muna siya dito.
“Anong iniiisip mo?”
“Nagiisip ako ng paraan kung paano ako pakikipag-lapit sa kanya.” Nginitian niya ang mga ito.
=========
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanficHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...