Chapter 7: THE PLAN prt.1

1.4K 11 1
                                    

Andoon sila ngayon sa Condo unit niya. Tinawagan niya ang mga ito. She needs their help. Hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa plano niya este plano ng magaling niyang pinsan!!

“Hoy! Ba’t ang tahimik mo?” nagtatakang tanong ni Rufranz kay Alai.

Huminga siya ng malalim . “May sasabihin ako sa inyo, pero secret lang ‘to aahh..”

“Oh My GOD!! Alai don’t tell me buntis ka!!” gulat na sambit ni Rufranz.

“O di naman kaya, may napatay ka??” si Cindy.

“May ninakawan ka??” si Faith.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng mga kaibigan niya. Ganon ba ang tingin nito sa kanya!

“Eto ang mas matindi! Pumatol ka sa MMLNMNM!!!” sigaw ni Rufranz.

Napasinghap ang dalawa pa niyang kaibigan at tsaka bumaling kay Rufranz.

“Anong MMLNMNM??” tanong ng mga ito.

“MAYAMANG MATANDANG LALAKI NA MALAPIT NG MAMATAY!!”

Sa kanya naman bumaling ang dalawa.

“Totoo??” tanong ng mga ito.

“Alai!! Mag salita ka!!” sabi ni Rufranz.

Hindi siya nakatiis. Tumayo siya.

“Paano ba naman ako makapagsasalita eh, inunahan niyo na’ko!!” sabi niya sa mga ito. “Kung ano-ano ang pinagsasabi

niyo!! Ikaw naman Rufranz! Grabe ka mamintang! May nalalaman ka pang MMLNMNM dyan!! Huwag mo kong itulad sayo ‘noh hindi pa’ko ganon ka-desperada!!” sinta niya sa mga ito.

“Paano ba naman kasi, mare. Tulala ka dyan. So, kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan namin.” sabi ni

Rufranz.

“Aayy, ewan ko sa inyo! Ito namang si Cindy, ginawa akong mamamatay tao.” baling niya kay Cindy.

“Sorry naman.”

“At ikaw, Faith. Ako? Magnanakaw? Baka samapalin kita d’yan ng pera. Barya nga lang.”

“Ayos na sana, eh. Ginawa mo pang barya.” natatawang sabi ni Faith.

“Ano ba naman kasi yang sasabihin mo? Parang sobrang importante ahh. Bakit huling araw mo na ba’to sa mundo. kukunin ka na ba bukas ni Lord?” walang gatol na sabi ni Rufranz. Natahimik lang siya. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Si Len kasi ang may pakana nito! Tinitigan lang siya ng mga kaibigan niya.

“Alai…Wag mong sabihin..” si Rufranz. 

“Rufranz, pwede ba tumahimik ka. Hindi pa’ko mamamatay kung ‘yan ang iniisip mo.” sabi ni Alai.

“Ahhh.. Ano ba naman kasi ’yon? Papatayin mo kami sa thrill, eh.”  

“Ganito kasi ‘yon. Hindi naman kasi talaga ako ang may plano nito, eh.”

“Plano?” nagtatakang tanong ng mga kaibigan niya.

“Yup. Plan. Si Renalyn ang may pakana.” Kinuwento niya sa mga ito ang nasabing plano.

“Bakit ba eager na eager yang si Len na magkaroon ng panibagong love ‘yang si Arkin?”

“Siguro, dahil naaawa na rin siya kay Arkin. Nakakaawa naman kasi, eh.”

“Ikwento mo nga yung love story nung Arkin na ‘yon.” 

 ======= to be continued....

Aayeng and Rufranz are one..

CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon