Chapter 12: LUNCH

1.2K 8 0
                                    

Busy siya sa pag-eencode nang tawagin siya ni Arkin . Pinuntahan niya ito.

“Tama na muna ang pagtra-trabaho. Mag lunch ka na.” sabi nito sa kanya.

“Paano kayo, sir?”

“Marami pa kong ginagawa, eh. Ikaw muna.” sabi nito habang nakatutok ang mga mata sa ginagawa.

‘Aba! Ang mokong hindi kumakain sa tamang oras. Hindi siya papayag.’

“Ah, Sir. Mamaya na lang din ako kakain.” sabi niya sabay balik sa pwesto niya.

Nagkunwari siyang maraming ginagawa. Sumusulyap-sulyap ito sa kanya nakita pa niya itong umiling. Hindi ito nakatiis tumayo ito at iniwan ang ginagawa. Tumigil ito sa harap niya. 

“Halika na. Stubborn woman.” nakangiting wika nito sa kanya.

Tinigil niya ang ginagawa tsaka ngumiti dito.

“Kakain ka rin pala, eh. Halika libre mo ko, ah.” tumayo na siya at naglakad palabas sa opisina.

“May palagay ako, maagang malulugi ang kompanya ko.” biro nito na sumunod sa kanya palabas. Tinawanan lang niya ang sinabi nito. Sa isang restaurant sila pumunta, malapit lang sa opisina nila. Um-order na sila na pagkain.

“Patay ako nito araw-araw. Mauubusan ako ng pera.” sabi nito sabay tawa.

“Ano ba naman yung 150 araw-araw? Tsaka imposible namang maubos ko yang pera mo. Ang  yaman-yaman mo. Akalain mo ‘yun ikaw pala ang may-ari ng kompanyang ‘yun.”

“Matiyaga lang talaga ako.”

“Tama namang maging matiyaga, kaya lang hindi naman tama yung ginugutom mo ang sarili mo. Naku ngayong ako na ang secretary mo talagang kakain ka nang marami.”

“Hindi lang yata ako malulugi, tataba pa ako.”

“Ikaw kasi ako pa pinili mong secretary. Ngayon nagsisisi ka.”

Titig na titig ito sa kanya. “I’m not sorry at all.”

Nagtataka siya dito, bakit ganito ito makatitig sa kanya. Buti na lang ay dumating na ang order nila.

“Let’s eat.” nagsimula na silang kumain. 

“Anong natapos mo?” tanong nito.

“Accountancy.”

“Accountancy?”

“Yes. Nag major din ako ng MASCOM, hindi ko lang natapos.”

“Bakit secretary ka nag-aaply?” 

She caught off guard. Bakit ba hindi na lang secretarial ang course na sinabi niya? 

“Amm..wala akong ma-aplayan, eh.”

“Ganon. Sabagay mahirap maghanap ng trabaho lalo na accountancy.”

“Oo nga, eh.”

“Bumalik na tayo.”

“Sige.”

Bumalik na sila sa opisina. Trabaho na naman ang kaharap niya. 

Wala naman siyang planong magtrabaho talaga. Napilitan lang siya. This is the only way she knows na magtatagumpay siya sa plano niya. Lagi naman siyang pinadadalhan ng pera ng magulang niya. Marami silang pag-aaring sakahan sa Bulacan. May mga groceries store rin sila na maraming nang branch sa Bulacan at nakikilala pa lang sa Maynila. Aaminin niya she’s a spoiled brat. Lagi siyang napapa-away sa school niya syempre lagi niyang kasama ang pinsan niyang si Len. Kaya dito siya pinagaral ng daddy niya dito daw kasi sa Maynila hindi uubra ang tigas ng ulo niya. No choice. Nag-aral siyang mabuti, nakakatakot kasi ang mga professors niya. Sa awa naman ng Diyos naka-graduate siya.

And now she’s facing a new problem. Base sa reaksyon nito kanina konting panahon na lang at matututo na itong mahalin siya. She admit, the first time he saw Arkin she fall for him. Sino namang hindi magkakagusto dito. He’s very attractive. Gagawin niya ang lahat para mahalin siya nito. Gagawin niya ang lahat para makalimutan nito si Yanna.

========

CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon