“At long last ang cousin ko ay naging, ‘Mrs. Renalyn Santos’ na!! Congrats!” bati ni Alai sa pinsang bagong kasal. Andun sila sa ‘comfort room’.
“Sabi nga nila ‘Sa hinabi-haba man ng prosisyon sa simbahan pa rin ang tuloy’ “ sabi ni Len.
“I’m happy for you, ‘couz!” niyakap niya ang pinsan.
“Thank you, ‘couz! Sa kasal mo ako bride’s maid ahh.”
“Aayy! Maghahanap muna ako ng groom ko!” nagtawanan silang magpinsan.
“Yung pinartner ko sayo, okay na ba yun?” tanong ni Len sa pinsan.
“Sana…”
“Bakit parang ayaw mo? Don’t tell me hindi mo type si Arkin!” nagtatakang sabi ni Len.
“Ba’t naman kasi ganun yung pinartner mo sa’kin parang tuod. Hindi man lang nagpakilala sa’kin!” angal ni Alai.
“I’m expecting that.”
“Haa..”
“Spare him na lang ‘couz. Kagagaling lang nun sa hurtful breakup.”
“Ganon? Kawaka naman siya…”
“Sinabi mo pa! Na’ko hindi ko nga alam kung anong magagawa ko sa babaeng ‘yon pag-nakita ko siya.” nangga-galaiting
sabi ni Len.
“Bakit, ano bang ginawa nung babae?” nagtatakang tanong ni Alai. Nacu-curious siya dahil kitang-kita sa mukha ng pinsan niya na galit na galit ito sa nasabing ex ni Arkin.
“Wala lang naman siyang ginawa!! Nung nag-propose lang naman sa kanya si Arkin, iniwan lang naman niya ito. Grabe insan kung nakita mo lang kung gaano naging miserable ang buhay ni Arkin.” puno ng sarkasmong sabi ni Len.
“Insan easy lang..”
“Ewan ko ba dyan kay Arkin. Ilang beses ko na sinabi sa kanya na kalimutan na niya ang yung babae na ‘yon, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ginagawa!!”
“ ‘couz, hindi naman kasi madaling gawin yung sinsabi mo ehh..” sabi niya sa pinsan. “Paano kung si Caleb ang gumawa
niyan sayo? Sa tingin mo kaya mo?” hamon niya dito.
“Hindi gagawin sa’kin ni Caleb ‘yon, dahil mahal ako ni Caleb. Sa tingin mo ba mahal nung Yanna na ‘yon si Arkin? Kung mahal niya si Arkin ba’t niya iniwan?” sabi ni Len.
“May tama ka..”
“Sinabi ko na rin sa kanyang maghanap na siya ng iba…” natigil sa Len sa pagsasalita. Tumitig ito sa pinsang nagtataka.
Mayamaya ang kumislap ang mga mata nito .
“ ‘Couz!! Alam ko na!” biglang sabi nito.
“Haa??” nagulat si Alai. Hindi niya maintindihan ang pinsan.
“Ikaw!! Ikaw!!” hinawakan pa nito ang kamay niya.
“Ang alin??” naguguluhang tanong ni Alai.
“Ikaw! Paibigin mo si Arkin, ‘couz! Para malimutan na niya yung Yanna na ‘yon.” puno ng pagsusumamo ang boses nito.
“Ayoko nga! Ang sungit sungit kaya ‘non!” angal niya dito.
“ ‘Couz, ang bad mo! Please naman, ohh..”
“Haay, nako!! Renalyn! Ikaw na lang kung gusto mo!”
“Kung pwede lang eehh. Sige na, ‘couz. For me please.”
Hindi niya matitiis ang pinsan. Wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niya.
“Ikaw waa!! Madami ka ng utang sa’kin! Kung di lang kita pinsan.” sabi niya dito.
“Thank you, ‘couz!!”
“Oo na!! Oo na!!”
“Halika na nga!! Baka mamaya hinahanap na’ko ng mister ko!” yaya nito sa kanya.
Tinukso niya ang pinsan. “Hindi ka na makapag hintay aah!! Excited ka na sa honeymoon niyo noh!!”
“Grabe ka ahh!! Hindi ko nga maimagine kung anong gagawin ko mamaya.” namumula ang pinsan niya.
“Basta ‘couz yung pamangkin ko ay ‘honeymoon baby’ !!” tukso niya ulet dito.
“Wag ka ngang maingay! Baka mamaya may makarinig sayo!” away sa kanya nito.
“Sus..walang malisya yun. Kasal na kaya kayo. Halika na nga.” yaya niya dito.
===========
WAHAHAH..WALA AKONG MAISIP NA TITLE:)
BINABASA MO ANG
CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]
FanficHindi naman talaga ako ang may balak nito.. Si Len naman kasi... Ire-reto na lang ako sa lalaki... sa lalakeng may mahal pa... ayan minahal ko tuloy.. ---------------- Lalo nang malaman ko.. yung karibal ko sa puso niya.. patay na.. Ang hirap lum...