Chapter 10: WARDROBE

1.2K 7 0
                                    

“Rufranz. Nasaan ka?” tinawagan niya ang kaibigan. Magpapatulong siya dito na maghanap ng susuotin niya.

“Andito sa bahay. Bakit ba?” 

“Pwede mo ba kong samahan mag-mall?”

“Mall? Magsho-shopping ka?”

“Oo,”

“Bakit?”

“Kailangan ko nang panibagong wardrobe.”

“Para saan?”

“Nag-apply ako. Secretary. Kaya pumunta ka na dito tsaka ko na lang ikwekwento sayo ang buong story.”

“Sige.”

Sinabi niya dito kung saan sila magkikita. Sa Starbucks sa MOA. Hindi nagtagal ay dumating na rin ito.

“Grabe, the. Balak mo yata akong pagurin. MOA!!”

“Wag ka ng magreklamo. Ililibre naman kita, eh.”

“Dapat lang. Ba’t ba bigla ka na lang magsho-shopping?”

Ngumiti siya dito.

“Para saan ang ngiting ‘yan? Hmmm.. I smell something fishy.”

“Fishy pala aah. Manigas ka d’yan.”

“Eto naman hindi mabiro. So, ano nga yung sasabihin mo sa’kin?”

“Magtra-rabaho na’ko bukas.”

“Sus, ‘yon lang pala.”

“Bakit? Sinabi ko na ba kung kanino ako magtra-trabaho?”

“Kanino.”

“Kay Arkin.”

Nanlaki ang mga mata nito.

“Paano nangyari ‘yon?”

“Syempre nag-ala-TULFO ako. Sinundan ko siya mula sa bahay niya hanggang sa makarating nga doon sa kompanya kung saan siya nagtra-trabaho. Sakto namang nagha-hire sila ng secretary. Mag-aaply sana ako pero di sinasadyang nakabanga ko si Arkin. Tinanong niya ko kung ano ginagawa ko ‘don . Sinabi ko nga mag-aaply ako ng secretary. Para ngang ‘soul mate’ kami. Biruin mo siya pala yung naghahanap ng secretary. Siya na mismo nag-hire sa’kin. Then niyaya niya akong mag-kape.”

“Soul mate? Corny mo.” Tonawanda siya nito.

“HAHAHA..Nakakatawa. Halika na nga.”

Pumunta sila sa isang Department Store.

“Slacks and Blouse? What do you think?” tanong ni Alai.

“Slacks? Alai, 2011 na ngayon hindi 1980’s. Tapos magsusuot ka ng slacks. Manang na secretary ang dating mo.”

“Ang dami mo namang sinabi. Ikaw na pumili ng susuotin ko.”

Kumuha ito ng black skirt na above the knee at white sleeveless blouse. “ ‘Yan.”

“Eto ba talaga sinusuot ng secretary?”

“Oo naman. Wala ka bang tiwala sa’kin?”

“Wala.”

“Ganon? Sige, uuwi na’ko. Bahala ka sa buhay mo.”

“Biro lang ‘yon.” Namili pa siya nang ilang pares ng damit. Nang makapili siya. Pumunta sila sa shoe section. Dinampot

niya ang isang simpleng black women shoes.

“Pwede na ba ‘to?” tanong niya kay Rufranz. Umilng ito. Dumampot ito ng isang black women shoes na may three inches

na takong.

“Eto ang bagay sayo.”

“Talagang papatayin mo’ko ‘noh. Secretary ang trabaho ko hindi bugaw.”

“Bakit. Bagay naman ahh. Gusto mo mag-rubber shoes ka. Tingnan natin kung bagay.” paghahamon nito sa kanya.

“Oo,na” kinuha niya ang sapatos na pinili nito. Binayaran na nila ang mga binili nila. Nagpaalam na ito dahil may pupuntahan pa ito.

“O paano mauna na’ko? Galingan mo bukas ahh. Dapat updated ako.”

“Bakit Facebook ka? Twitter? HAHAHA..Syempre naman.”

“Mauna na’ko.”

“Sige. Magpapa-facial pa’ko.”

“Aba! Talagang pinaghahandaan mo.”

“Syempre.”

Umalis na ito at siya naman pumunta sa isang salon. 

======

CTLS: Unexpected Love (2nd story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon